Chapter 9

1 0 0
                                    

    "Sa labas nalang ako," paalam niya nung nasa loob na kami ng simbahan pero hinila ko siya paupo.

    Magsisimba nga diba? Bakit lalabas? Tsk. Alam ko namang Katoliko ang isang ito kaya hindi siya bawal sa loob nitong Cathedral.

   Sinilip ko ng saglit ang mukha niya. He looks so tensed and mad at the same time. Hinawakan ko ang braso niya para hindi na siya magtangkang umalis. Nung matapos na ang Homily, lumabas na siya ng tuluyan. Nagmamadali. I followed him right away.

    "Uy," tawag ko at hinawakang muli ang braso niya upang pigilan siyang umalis.

    "Ano ba! Let me go!" Sigaw niya at itinakwil ang kamay ko nung nasa may groto na kami.

    Halos magdugtong na ang mga kilay niya sa sobrang kakunutan nito. He's raging, that's what I can say. Pero bakit naman? Wala naman siguro akong nagawang masama diba?

    "Bakit ka lumabas?" I asked him, trying to be nice. Baka suntukin ako eh.

    "Bumalik ka mag-isa!" Sagot niya lang at tinalikuran ako. Aba!

    Pinaharap ko siya sa akin. "Ano bang problema?"

    "It's none of your business!" He shouted again. Nakalagay sa bulsa ng jeans ang dalawang kamay niya. Ayaw niya sigurong makita ko ang pagbuo nito ng kamao.

   "Whatever it is, kailangan nating bumalik sa loob."

    "Bumalik ka mag-isa mo!"

    Tinitigan ko ang mukha niya. Grabe, kahit galit ang ekspresyon niya ngayon, ang gwapo pa ring tingnan. Ngumiti nalang ako.

    "Hindi pa tayo tapos. Hintayin mo ako," sabi ko lang at tumakbo na pabalik sa loob ng simbahan, doon sa inupuan namin kanina. Holy Communion na kasi.

    Matapos ang Holy Communion, napasulyap ako sa taong nasa tabi ko. Medyo familiar yung mukha nung babaeng may katandaan na. Ngumiti rin naman siya so I smiled back. Golden brown din ang mata niya, ang nice!

    After the mass, patakbo kong binalikan si Gab na ngayo'y nag-aabang na sa moped. Aalis na naman kami? Tsk.

    Lumapit ako sa kanya. "Peace be with you," nakangiti ko pang sabi. Pero hindi man lang siya ngumiti pabalik. Nakakunot pa rin ang makinis niyang noo. Hmp.

    "Hop."

    I just rolled my eyes at sumunod nalang din. Baka iwan pa ako nito eh. Mamaya ko nalang tatanungin kung anong problema niya.

    Dinala niya lang naman ako sa isang Bulaluan. Oh my sash! That smell tho! Hindi pa man naka-order ay naglalaway na ako.
   
    Umorder na kami at ngayon ay nasa mesa na. Nakakunot pa rin ang noo niya at hindi pa rin nagsasalita. Pinanood ko lang siyang kumain. Ang cute at ang linis. Parang maglalaway ka lalo kapag pinanood mo siya.

    "Anong problema?"

    "Shut up." Mahina niyang sabi.

    What? Shut up? Matapos niya akong bulyawan kanina sa hindi malamang dahilan tapos patatahimikin niya lang ako? Napaka-walang puso nga naman ng taong ito. Siguro tama si Jepoy nang sabihin niyang wala itong modo. But deep inside me, I still want to understand him. Lalo na ngayong alam ko ang ibang napagdaanan niya. Maybe it's enough to know why he's like this.

    "Mago-grocery ako mamaya huh?" Nakangiti kong sabi. A furrow is still on his face, not answering back.

    Ayaw niyang magsalita? Hala, sige! Walang magsasalita! Nakakainis! Porket alam niyang gustong-gusto ko siya gaganituhin na niya ako? Kaya ayun, the whole lunch ay walang nagsasalita. Hanggang sa nakapag-grocery na ako at ginabi na kaya umuwi na ng bahay ay wala pa ring nagsasalita. Nasa sala lang siya kaya ako na lang ang nagluto. Ramen lang ang niluto ko. Awieh! Delicious!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Undeniably In LoveWhere stories live. Discover now