Chapter 3

2 0 0
                                    

    "Hoy, Mia! Huwag kang umuwi mag-isa mamaya. Pakuyog," biglang sabi ni nanay sa akin nang magising na ito. (Bisaya nga pala ang nanay ko.) Kakatapos ko lang din magluto ng pang-agahan.

    "Ma naman. Sanay na po ako."

    "Hilom! Mag-taxi ka nalang kung ayaw mong magpahatid. Alam mo bang may krimen dito noong nakaraang gabi? Doon sa posteng lagi mong dinadaanan. Aypag kampante dira!"

    Tumahimik nalang ako. So may krimen nga talaga kaya naka-cordon ang area na iyon? Rape ba iyon? Ibig bang sabihin nandito na talaga sa lugar namin yung serial rapist? Huwag naman sana.

    Nang matapos na akong kumain ay umalis na ako ng bahay. Sa labas, napakatahimik kahit umaga na. Ang dating lugar na marami nang naglalaro kapag ganitong oras, ngayon ay para nang inabandona. Halatang puno ng pangamba ang nga nakatira. Nataranta siguro sa nangyari dito sa amin. Peaceful kasi itong barangay namin at ngayon lang kami nakaranas ng krimen. Kaya parang nagluluksa ang lahat.

    Nung makasakay na ako ng bus ay timing naman na umulan. Mabuti nalang talaga at nakasakay na ako. Wala pa naman akong dalang payong. Sa unahan naman ay sumakay din si Gab. Tadhana nga naman. Nginitian ko siya at binati. But as usual, wala siyang emosyon. Hinila ko nalang siya paupo sa tabi ko.

    Naka-black jacket na may hood siya. At hindi ko alam pero parang kinabahan ako sa suot niya ngayon. Parang katulad kasi ito ng suot nung lalaking nakita ko sa amin. Yung akala ko rapist. Tiningnan ko siya. Nasa harap pa rin ang mga mata niya. Nasa kaliwang kamay ang payong na pinapatulo ang tubig-ulan. Naalala ko nalang bigla ang mga sinabi niya noong nakaraang araw at kahapon.

    "Ako ang rapist."

    "Hindi mo ako dapat pinagkakatiwalaan..."

     Bakit ba ang cold niya pagdating sa ibang tao? Bakit gusto niyang ilayo ko ang loob ko sa kanya? Bakit ba niya dinidistansya sa iba ang sarili? Ang dami kong gustong itanong sa taong ito. Pero wala akong lakas ng loob. Wala naman kasi siyang close kahit isa sa mga katrabaho namin, kaya malabong mag-open up siya sa akin.

    "What?" Napabaling ako sa iba nang bigla siyang nagsalita at tiningnan rin ako.

    "Wala," agap ko. Pero ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin. Hindi niya ito inaalis. Para bang may gusto rin siyang sabihin o itanong pero hindi niya magawa. Siguro dahil hindi siya komportable kapag ako ang kasama. Bumuntong-hininga nalang ako.

    "Siguro naman napagtanto mo na ang mga sinabi ko," sabi niya at alam kong ngayon ay sa iba na siya nakatingin kahit hindi ako nakatingin sa kanya.

    "Na ano?"

    "Na hindi mo dapat ako pinagkakatiwalaaan."

    Tiningnan ko siya. Hindi nga siya nakatingin sa akin pero kitang-kita ko sa jaw niya ang pagpipigil sa sarili. Galit ba siya? Ewan. Siguro. Siguro dahil ayaw niyang sundan ko siya. Ayaw niyang kulitin ko siya. Sorry ka nalang Gab, hindi ko iyan magagawa sa'yo.

    "Alam kong nilalayo mo lang ang loob ko sa'yo at iyon ang hindi ko maintindihan," I uttered without even blinking while staring at his jaw. Until he suddenly faced me.

    "Dahil wala kang alam," he coldy said and I shivered with that. Ang lamig niya, para akong naninigas sa kalamigan niya sa akin.

    "Dahil wala ka namang sinasabi," sagot ko. Nakatitig pa rin ako sa kanya ngayon kahit ilang beses ko nang narinig ang pag-igting ng panga niya. Feeling ko gustong-gusto na niya akong suntukin.

    "Dahil hindi mo maiintindihan!" Mariin na nga niyang sabi. Kalma man ang boses niya, ramdam ko pa rin ang tensiyon. Nakakunot na naman ang kanyang noo kasabay ng lalong pagsingkit ng mga matang nakatutok sa harapan lamang.

Undeniably In LoveWhere stories live. Discover now