Chapter 6

1 0 0
                                    

     Another days had passed.

    Humarap ako sa salamin matapos maligo. Ang laki na ng dark circles sa ilalim ng mga mata ko. Ilang gabi na nga bang hindi ako nakatulog ng maayos? Hindi naman na nangungulit ang mga unknown numbers na iyon pero kada uwi ko kasi ay pakiramdam kong may nakatuong mga mata sa akin. At kahit palagi kong kasama si Jepoy, natatakot pa rin ako.

    Hindi lang naman kasi ako ang nakakaramdam na may nagmamatyag sa akin. Si Jepoy din. Minsan nga nakita pa niya na may nakatayong lalaki doon sa unahan ng poste. Doon sa parteng hindi na naiilawan. Nakatingin lang daw ito sa bahay minsan nang pauwi na siya galing sa amin. Mas kinabahan tuloy ako. Bukas na kasi ang alis ng pamilya ko.

    "Mia," tawag ni Aira sa akin habang nasa aking cubicle ako at busy sa pag-eencode. Kailangan na kasi naming matapos sa pag-edit ang brochure. Next week na ang release nito.

    Lumapit siya sa akin na naging dahilan upang tingnan kami saglit ni Gab. Saglit. Two seconds lang siguro.

    "Nagpupuyat ka ano?" Pabulong niyang tanong. Naramdaman ko na parang sumulyap ulit si Gab sa amin.

    "Hindi no. Ano namang pagpupuyatan ko?" Sagot ko lang at nagpatuloy pa rin sa pag-iinput. Pero inikot niya ang swivel chair kaya napaharap ako sa kanya.

    "Nag-aalala na kami ni Jestony sa'yo. You looked doughy. At may dark circles ka na, oh." She's not lowering her voice now kaya napatingin si Gab sa amin. Hindi naman matatakot ang Aira na ito. Anak kaya ito ng may-ari ng kompanyang ito.

    "Adik sa kdrama. Hehe," I answered with a really fake laugh. Too fake na napakunot ang noo ni Aira. Kdrama daw? Alam nilang hindi ako mahilig dyan.

    "You can't lie to us. Is it him again?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niyang iyon. Ituro ba naman si Gab? At narinig kong napatighim si Gab. Maybe reminding us that he can hear our conversation.

    "Hindi nga kasi!" Inikot ko na ang upuan at humarap muli sa computer.

    "We'll talk about this later at lunch," she said and paused. "Kasama ka doon, Gabriel." She said with a very authoritative tone. Kinabahan ako doon. It was the first time she acted like this.

    So ayun nga, nandito na kami nina Jestony, Aira, Jepoy, and Gab sa iisang table sa cafeteria. I'm in between Gab and Jepoy again.

    "Miashesh naman. Nagpupuyat ka eh! Alam mo namang bawal sa'yo yan diba? Ang heart mo!" Exaggerated na sabi ni Jestony. Naku! Kung alam mo lang bakla, hindi health ko ang problema ko ngayon. Umiling nalang ako.

    "You two are over-reacting. Alam niyo ba yun?" That's all I can say. Alangan namang aminin ko sa kanila? Para ano pa? Para madamay? Kumain nalang ako.

    "No, Miashesh. You're being too careless. You act like your healthy when your body even shows that you're being fragile." -Jestony.

    "Ano bang problema nyo?" Tanging natanong ko lang kahit alam ko naman kung saan patungo ito.

    "No, Mia. Anong problema mo?" Aira in her angry tone. Minsan lang niya ginagamit ito kaya natatakot talaga ako. "Akala ba namin magkakaibigan tayo dito? Bakit parang naglilihim ka?"

    I was caught off guard. Lahat ng problema ko ay sinasabi ko sa dalawang ito. But this time, I just can't. Magsasalita na sana ako nang si Jepoy ang nauna.

   "I'll tell you this but I probably need your help guys," sabi ni Jepoy at napatingin kaming lahat sa kanya. Lahat. Kabilang si Gab doon.
 
 
    "Remember Mona na kapitbahay ni Yami na na-rape at natagpuang patay?"

Undeniably In LoveWhere stories live. Discover now