Chapter 8

0 0 0
                                    

    Nakaupo kaming pareho sa kama ngayon. Naka-on na rin ang ilaw. In-on na niya kasi umalis na rin naman daw yung lalaki.

    "U-umuwi ka nalang Gab. Okay nama--"

    "I can't just leave you," he said in a terrified voice. His brows furrowed as his golden brown eyes stared at me. "He might come back."

    Parang nasira ang mukha ko sa sinabi niyang iyon. Eehh. Ibig bang sabihin na dito siya matutulog? Oh my sash! I've never brought a man in this house ever! Kahit gustong-gusto ko siya, hindi pa rin ako papayag no. At saka yung sinabi ko na magpapa-rape ako sa kanya? Hindi yun seryoso! Gosh! Masyado niya yatang tinotoo yung mga sinabi ko.

    "Alam ko yang iniisip mo," he broke my thoughts. "Paano kung bumalik yun at magdala ng chainsaw? O di kaya ay axe just to break the door. Edi patay ka!"

    "Iyon lang din naman ang kahahantungan ko!" Napatitig siya sa akin sa sinabi kong iyon. "Kahit saan ako magpunta, susundan niya raw ako. Papatayin niya rin ako. Hindi magtatagal, mamamatay din ako."

    Nagkatitigan kami. Ang titig niyang nakakunot ang noo na sinasangga ng titig kong puno na ng mga luha. I sobbed.

    "Umalis ka na," I sobbed again. "Madadamay ka lang."

    Hinintay kong magsalita siya pero hindi. He closed the gap between us at bigla na lang niya akong niyakap. And again, nakuryente na naman ako sa pagkakalapat ng katawan namin. It's not the first time, but the spark is still there.

     Gusto ko siyang itulak. Gusto kong layuan niya ako dahil sa yakap niya pa lang, nalulunod na ako. Dahil sa yakap niyang ito, nakakalimutan kong may iba siyang gusto. Nakakalimutan kong hindi ako ang mahal niya. At ayaw kong mangyari yun.

   Gusto ko nang mag-let go sa unrequited love na ito. But I just can't. Dahil habang hinahagod niya ang likod ko, mas gusto ko nalang umiyak ng umiyak at mas yakapin siya ng mahigpit.

     "I won't let you die..."

     Nanigas ang katawan ko sa salita niyang iyon. Hindi ko man nakikita ang mukha niya, sa salitang iyon pa lang ay nararamdaman ko na ang hinagpis sa boses niya. Takot, kaba, lungkot, at pait - iyan ang nararamdaman ko mula sa salita niyang iyon. Nagpatianod na lamang ako sa yakap niya.
   

  Gusto ko sanang papaniwalain ang sarili ko na wala siyang pakialam sa akin. Pero sa ginagawa niya ngayon, parang nabubuhayan na naman ako ng loob.

     Kumawala siya sa yakapan namin. "Mabuti pa matulog ka nalang," sabi niya't pinahid pa ang mga luha ko.

     Oh my sash! Hindi na naman ako makagalaw! Ano ba itong ginagawa mo sa akin, Gab? Ganito rin kaya siya kay Ma'am?

     Habang parang napaparalisa pa rin ako dito sa kama, tumayo naman siya at lalabas na sana ng kwarto. Wait! Iiwan niya ako?

    "Saan ka pupunta?" Hindi ko na nga mapigilang itanong.

    Lumingon sya sa akin at sumagot. "Kukuha lang tayo ng pang-self defense."

    Sumunod ako sa kanya. Mahirap na, baka biglang umakyat sa kwarto ang rapist na iyon.

    Sa kusina, kumuha siya ng kutsilyo at itak. Butcher ba siya? Ang tapang ah. Bumalik din naman agad kami sa kwarto. Maghahanap sana ako ng banig at kumot pero sirado lahat ng kwarto nina mama, papa, at Johnny. Sirado talaga, naka-lock pa. Kamalasan nga naman oh. Anong ibig sabihin nito? Na matutulog kami sa iisang kama? Baka gapangin ko siya. Ay, I mean, baka you know... Maulan, malamig. Naku po! Baka magkasala pa ako nito.

    "W-wala nang banig at kum-kumot. Eehh, saan ka hihiga?" Nauutal ko nang sabi. Tiningnan niya lang ako.

    "Malaki naman ang kama mo."

Undeniably In LoveWhere stories live. Discover now