Chapter 5

2 0 0
                                    

     One week had passed at hindi ko na ulit nakita ang lalaking iyon. And like what I've said, wala talaga akong pinagsabihan tungkol dun sa papel na iyon. Kakadating lang din ng moped ko. At kahit nagagalit ang mga kaibigan at pamilya ko sa desisyong gawin itong service vehicle, hindi pa rin ako nagpadala. Hinahatid at sinusundo rin naman kasi ako ni Jepoy kahit medyo busy na siya. Natakot daw nang hindi ako maihatid one time. At ngayong may moped na ako, ganun pa rin daw ang gagawin niya.

    Kaya habang nakasakay sa moped, sinisikap kong bilisan ang takbo nito. Halos tersiyera na ang gamit ko para humarurot. Gusto ko kasing maabutan si Gab pero... Naunahan na ako. Nasa crossing palang ako papunta sa kanila ay nakita ko na ang kotse ni Ma'am Jenny sa labas ng bahay nina Gab. Kita lang kasi sa kalsada ang bahay nina Gabriel.

    Huminto ako saglit upang makiusyoso. After a minute, nakita ko nang lumabas sa bahay si Ma'am na ang laki ng ngiti, sa likuran niya ay si Gabriel na medyo nakangiti rin. Parang hindi ako makahinga sa nakikita ko ngayon. Parang gusto kong umiyak. Pareho silang nakangiti... May nangyari kaya?

    Nag-usap pa sila saglit sa labas ng bahay bago pumasok sa kotse. At sa front seat pa talaga pumasok si Gab. Parang pinagsasaksak ang puso ko. Pinaharurot ko nalang ang moped.

    Pagdating sa building ng Atasha ay nagpaalam na si Jepoy.

    "Sabihin mo lang sa akin kung hindi mo na siya gusto," sabi niya bigla sa akin. Bakit parang nasaktan ako sa sinabi niya? Dahil ba alam kong nasasaktan din siya? Ngumuso ako.

    "Mamamatay muna ako bago mangyari iyon," I just answered and smiled a bit. Alam kong parang sinasaksak ko na rin si Jepoy sa tuwing inaamin kong gusto ko talaga si Gab. Pero mas mabuti naman kasi na alam niya, kesa naman yakapin ko siya sa kasinungalingan. Ayokong patuloy siyang umasa.

    "Huwag naman, mabubyuda ako ng maaga niyan," natatawa niyang biro. "Basta Yami, nandito pa rin ako. Sabihin mo lang kung nasasaktan ka na sa kanya. Dahil sisikapin kong sa akin mo naman ibigay iyang pag-ibig mo."

    I just nodded. "Pero Jepoy..."

    "I don't accept buts anymore Yami. As of now, just let me love you. I won't expect anything in return. You're my first love. And it's hard to forget and let go. But... Just let me love you like this," aniya at nagpaalam na upang umalis. I waved at him at flying kiss ang itinugon niya. Ngumiti nalang ako. Sorry Jepoy. Sorry kung hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal na dati'y inilaan ko sa'yo.

    I turned my back at him and headed to the elevator. Naayos na kasi. Eksakto, walang tao. Agad akong pumasok at isasara ko na sana ang pinto nang pumasok din sina Ma'am Jenny at Gab. Parang nadurog ang puso ko. Hindi ko kayang tingnan silang dalawa. I greeted them at yumuko nalang.

    "How was the leche flan I made, Gab? Did you like it?" Tanong ni Ma'am.

    So, may present pa talagang dala si Ma'am kanina nu'ng pumunta siya kina Gab? Napasimangot ako. Samantalang ako ay jacket niya lang ang dala dito sa backpack ko. Palihim ko silang sinulyapan. Their beauty fits each other. Bagay na bagay naman din sila. At panigurado pang mabibigay ni Ma'am lahat para sa kanya. Mga bagay na hindi ko magagawa.

    "Hmm. Binigay ko po kay kuya," sagot ni Gab.

    Palihim akong natawa. Hindi pala tinikman ang luto niya? Haha. Kawawa naman. Siguro kapag ako ang nagluto, hinding-hindi niya ipamimigay sa iba. Tsk. Kawawa ka naman Ma'am. Umiling-iling ako. Kung gusto ka ni Gab, edi sana tinikman niya ito diba? I smirked. Siguro 50% na lang ang chance na gusto ni Gab si Ma'am.

    "Oh," she just said. Palihim akong sumilip sa kanya, she was biting her lips. Napahiya ka ba Ma'am? Lalo tuloy akong napatawa sa isip ko.
"Did you like the perfume? Imported iyon. From France."

Undeniably In LoveWhere stories live. Discover now