Kabanata 03

1.2K 27 2
                                    

Hi to AileenDelacruzz Salamat sa pagbabasa😘😘

Kabanata 03

Date


Nagtitimpla ako ng kape para hindi antukin habang ini-edit ko ang report na ipapasa ko bukas. Nag inat-inat din ako dahil nangangalay na ang likod ko sa kaka-type sa laptop.

I was stirring my coffee in a mug lazily when a doorbell rang. I hurriedly opened the door, only to see a delivery man from a flower shop.

Kunot-noo kong pinermahan ang delivery receipt at nagpasalamat. It was a white rose blended with red. It was so beautiful at sa pagkaka-ayos pa lang halatang mamahalin ito.

I shrugged my shoulders, thinking that this must be Johann trying to win me again. But suddenly, I felt something that urged me to think, 'What if it is from Aiden?' napailing ako sa naisip ko.

Bumalik ako sa maliit na lamesa sa sala kung saan ko ginagawa ang report at inilapag ang bulaklak sa tabi ng laptop ko bago kinuha ang maliit na papel na naka-ipit dito.

'Hey, beautiful, have a great day. I'm looking forward to the date tomorrow.'

I don't need to ask who it was because, based on what the sender said, it's obviously from Diesdan. Halos tuktukan ko na ang sarili dahil sa panghihinayang na naramdaman.

Why should I? I must be happy! Focus on Diesdan Halia and stop thinking about Aiden! Lagi kong paalala sa sarili tuwing naiisip si Aiden.

Pero sadyang makulit ang isipan ko dahil panay ang panghihinayang na nararamdaman habang iniinum ko ang kape. I sighed for how many times. Kung nandito lang si Asthra, ay siguradong tinawag na akong kambing noʼn kakabuntong hininga.

Isang tawag sa cellphone ang nagpabalik sa diwa ko. I put my cup of coffee down on the table, bago ko kunot-noong kinuha ang cellphone. Isang unregistered number ang tumatawag.

"Halia Maestre speaking?" nanatiling nakakunot ang noo ko.

"Hey, Haly! This is Trosh... can I come into the area now?" My heart beats as fast as it did when I heard what Troshin said.

Does that mean na kasama nito si Aiden? Kasi 'di ba, silang dalawa ang magkasama sa construction?

"Uh... s-sure... sure. A-Are you alone?" nakangiwi kong tanong kay Troshin kaya bahagya itong natawa.

"Yeah. Kung ang ibig mong itanong ay kung sasama ba si Diesdan, well, he's in a meeting right now, kaya hindi siya makakasama." Napangiwi ako lalo sa sagot ni Troshin. "And... Aiden isn't here. May client pa siyang pinuntahan, kaya ako muna ang titingin diyan, a'right?"

After Troshin hung up the call, I sighed in relief. Pero nang maalala ko kung nasaan ang kapatid nito ay napaingos na lang ako. Alam ko ang usap-usapan tungkol sa dalawang magkapatid—Aiden and Troshin. Sinabi rin iyon ni Asthra noʼng nasa bar kami.

Is it really a client? O babae lang naman!

Niligpit ko muna ang tasang ini-inuman ko ng kape, pati na rin ang coffee table. Tinapos ko rin muna ang reports na ini-edit, habang hindi pa dumadating si Troshin. Nakakahiya naman kasi rito kung ang kalat ng mesa ko.

After 30 minutes, ay may narinig akong sasakyan na nag-park sa labas. Hindi ko pa nalipat ang bulaklak na pina-dilever ni Diesdan sa akin dahil minadali ko ang ginagawa ko kanina. Nasa maliit na mesa ko pa iyon nilagay.

I already expected that it was Troshin who parked outside. And yes, hindi ako nagkamali nang pagbuksan ko ito. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang kasama nito.

Napawi ang ngiting iginawad ko kay Troshin nang makita ko kung sino ang kasama niya. Aiden is standing coolly behind his brother. He was wearing a fitted blue shirt that showed his hard muscles. He paired it with khaki shorts. His sandy blond hair was pulled back in a ponytail, like how I saw it when we first met, staring at me intently, making my knees shake.

"U-Uh... H-Hi," I stuttered as I tried to compose myself for words.

"Uh... I didn't know that Aiden was already done with his client so quickly. And he wants to come here too, kaya sumama na siya." Nagkibit-balikat si Troshin sa akin dahil siguro sa nagtataka kong tingin dito.

Dahan-dahan akong tumango kay Troshin nang nakabawi sa pagkabigla. Tsaka ko binuksan ng mas malaki ang pinto at pinapasok ang dalawa. Naunang pumasok si Troshin, at agad kong pinaupo sa sofa. Naasiwa lang ako dahil sa uri nang tingin na binibigay ni Aiden sa akin. He looked at me from head to toe, gamit ang malagkit nitong tingin.

"Uh... come in," nag-aalangan kong anyaya kay Aiden. Tipid itong tumango sa akin at pumasok tsaka ito naupo sa tabi ni Troshin.

When I stand in front of the two dangerously handsome men, doon ko lang natanto ang suot ko. Nakasuot lang ako ng isang itim na ripped shorts na pinarisan ng maluwag na cropped top.

Napamura na lang tuloy ako sa isipan ko. Bakit nga ba hindi agad ako nagpalit ng damit kanina?! Tsk!

I closed my eyes hardly and bit my lower lip dahil sa hiya.

"Uh... I'll get you drinks, guys. Uhm... beer or juice?"

Napakagat-labi ulit ako dahil sa paraan ng pagtitig ni Aiden; it's like he's ready to attack me anytime.

"Beer... will do," tiim-bagang itong nakatitig sa akin.

"Me too, Haley." Tinanguhan ko agad si Troshin bago dumiritso sa kusina para kumuha ng beer. Doon ko lang pinakawalan ang malakas na buntong hininga na kanina ko pa pinipigilan.

Pagbalik ko sa sala si Aiden na lang ang nakaupo sa sofa, may sinagot lang daw na tawag si Troshin, kaya lumabas muna. Sinamantala ko naman kaagad ang pagkakataon para makapagbihis.

Agad kong hinalungkat ang closet para mamili nang susuotin. Kalaunan, napagdesisyonan kong isang tight ripped jeans at parisan ito ng maroon racerback na lang ang suotin.

Sobra-sobra ang kaba ko habang palabas ako ng kwarto. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko ulit bago tuluyang naglakad patungo sa sala, only to see Aiden holding the letter from the bouquet of flowers. Magsasalita sana ako para sawayin ito, pero agad namang pumasok si Troshin.

"So, can we see the area?"

I cleared my throat at naglakad palapit kay Troshin. Dahan-dahan namang binalik ni Aiden ang papel sa bulaklak, kaya napansin din iyon ni Troshin at napangiti.

"Hmm... I'll guess... it's from Diesdan?" nakangiting saad ni Troshin sa akin, kaya nahihiya man ay tipid akong tumango.

Matapos makita ang area na pinapagawa ko ay sabay na rin kaming nananghalian sa isang restaurant malapit sa Hill Top.

"Madali lang matapos ang apartment mo, Haley. Kaonti na lang pala ang kulang." I nodded at Trsoshin.

"Tapos na nga sana 'yon kung bumalik lang ang mga construction workers. Kaso hindi na bumalik." I shrugged.

"Thanks to them." I heard Aiden murmured but I didn't hear it.

"Pardon?" I asked Aiden but he just shook his head and looked away.

Panay ang sulyap ko kay Aiden habang nagmamaneho ito. Kanina pa kasi ito tahimik at nagsasalita lang kapag tinatanong ni Troshin. Ito ang nagpresenta sa akin na maghatid dahil may importanting lakad si Troshin. Tatanggi na sana ako, pero nauna na nitong buksan ang pinto sa passenger seat, kaya napabuntonghininga na lang ako at pumasok.

"Thanks for the... ride."

Agad kong naitikom ang bibig dahil sa sinabi. Parang iba kasi ang ibig sabihin ng sinabi ko. O baka ako lang ang nag-iisip ng ganoʼn. Kasi, seryoso lang naman akong tinitigan ni Aiden habang nakatayo ito sa harap ng Mazda nito.

Naiilang ako sa paraan nang pagtitig nito. His bluish eyes pierced into me, nakakapanindig-balahibo, and it gave me a tingling feeling.

"Uhm... I'll go inside," paalam ko.

I took one step, pero agad akong napatigil dahil sa tanong ni Aiden sa akin.

"Are you going tomorrow for a date with him?"

He Desired The Most- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon