Chapter 2

1 1 0
                                    

Nagmamadali akong naglalakad papunta sa address na binigay sa akin, bawal daw akong magpasama sobrang kinakabahan na ako sa posibleng mangyari kay yaya kaya di ko na mapigilan na umiyak

Gabing gabi na kaya di ko maiwasan na matakot, doon ako dumaan sa eskinita pero may nakita akong dalawang lalaki kaya napahinto ako tsaka ako tumalikod pabalik pero may dalawa na namang lalaking naglalakad papalapit sa akin, di ko maiwasan na di kabahan. Mas lumakas yung kabog sa dibdib ko siguro anytime mababagsak na ako  sobrang nanghihina na ako dahil sa kaba

Wala na akong kawala tsaka di ko sila kaya isa lang ako tapos apat sila ang laki pa ng mga katawan nila, mukha pang naka drugs. Napalunok ako sa kaba ng papalapit na silang apat sakin

"Miss, naligaw ka ata" pang aasar niya kaya natawa iyong iba niyang kasama

Nakikiramdam muna ako pero maya maya hinawakan yong isang lalaki ang balikat ko kaya inalis ko kaagad ang kamay niya
"Wag ka na mag inarte, pa isa naman diyan" tsaka sila tumawa ng malakas. Sa sobrang inis sinipa ko yung ano niya tapos dali dali akong tumakbo pero hinila ng isa niyang kasama ang buhok ko, sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya napasigaw ako sa sakit tsaka niya ako hinarap sa kanya tapos sinampal niya ako na para bang wala ng bukas sobrang sakit, kaya napayuko ako.
"Bakit ba kasi palakad lakad ka ng gabi, ayan tuloy ang napapala sa'yo, tapos kapag napag tripan ka magagalit ka?! Aba'y gag* ka!" tsaka na naman niya ako sinampal sa kabilang pisnge, hindi ko na kaya. nasasaktan na ako gusto kong iligtas si yaya pero nanghihina na ako.

Inipon ko ang buo kong lakas tsaka ko siya tinulak ng buong puwersa at sinipa ko naman yung katabi niya para mas lalo akong makatakas at tsaka ako tumakbo, hinabol ako ng nung dalawa di ko na alam kung asan ako patungo pero takbo lang ako ng takbo, kamalas malasan nahabol pa ako nung dalawa kaya hinila nila agad yung buhok ko at tsaka tinadyakan ang tiyan ko sa sobrang lakas ng pagkakatadyak napaubo ako mapahiga sana ako pero sinalo ako nung isa at pilit niya akong itayo pero nanghihina na ako kaya napaluhod ako.

Hila Hila nya iyong buhok ko at pilit niya akong iharap sa kanya kaya napatingala ako

"Ang lakas ng loob mo ha! Yan ang gusto ko palaban, mas lalo akong humahanga sa yo"

Tsaka pilit niya akong tinayo mula sa pagkaluhod ko. May isenenyas sya sa kasama niya kaya nararamdaman ko nalang na pinunit niya iyong damit ko  sobrang nagulat at nanlaki yung mata ko kasi hinalikan na niya yung leeg ko. Sumigaw ako, pero tinututukan ako ng kutsilyo ng isa niyang kasama. Paghikbi nalang ang nagawa ko, nandidiri ako, pilit kong iniiwas ang leeg ko pero ang lakas niya kaya di ko magawa

"Bilisan mo diyan Rex! Tanggalin mo na rin yung pantalon niya ang bagal mo!" di ko na to kaya

"Ple--ase.. Nag ma--makaawa ako wag nyong gawin to" hinang hina na ako, di ko na kaya sobrang sakit ng tiyan ko at ang pisnge ko

"Hoy! Bakit kayo lang?!" may narinig akong Sumigaw batid kong sila yung dalawang lalaki kanina ramdam kong papalapit na sila sa amin.

"Gag* ka Rex! Bakit leeg lang pinunterya mo?! Maunahan tuloy nila tayo!"  pasigaw na bulong niya sa kasama niya na hanggang ngayon hinahalikan parin yung leeg ko na pilit ko parin iniiwas

Pumikit ako sandali tsaka minulat ang mata ko, hayop sila! Pagbabayaran nila to! Sinipa ko na naman patalikod ang lalaki na humalik sa leeg ko tsaka ko siniko tong nasa harap ko kahit naghihina tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa naramdaman ko nalang na bumulagta na ako sa lupa. Sinipa ako patalikod kaya sa sobrang lakas napaubo ako ng dugo, tsaka nila ako sinipa ng malakas kaya napaubo na naman ako. Sisipain na sana nila ako ulit pero..

"Rex! Lyndon!" Sigaw ng dalawa nilang kasama kaya napalingon sila, pati ako kahit nanghihina pinilit ko paring lingonin sila


Nagulat nalang ako sa sunod na pangyayari, pinugutan ng ulo yung isa niyang kasama tsaka yung isa naman ang sinunod. Napanganga ako at nanlaki yung mata ko, nkakatakot sila may kung anong kakaiba sa kanila paano nila nagawa iyon? Hindi ko sila gaanong naaninag dahil medyo madilim na at naka black leather jacket pa sila. Apat sila at isa lang ang babae, siya mismo yung nag pugot sa ulo ng dalawang lalaki. Niingon nila ako sandali, kahit di ko medyo nakikita iyong mukha nila kitang kita ko ang kakaiba sa kanilang mga mata. tsaka nila nilingon ang dalawang lalaking kasama ko, kaya tumakbo sila sa sobrang takot

Nilingon ulit ako ng babae kaya napalingon din ako sa kanya habang nagtititigan kami mas lalo akong nanghihina kaya di nagtagal Pumikit na iyong mga mata ko

***

Nagising ako sa sinag ng araw, inaalala ko ang nangyari kagabi yung nagtangkang pagsamantalahan ako

Si yaya..

Bumaba kaagad ako, nakita ko si papa na may kausap sa phone

"How much do u want?" parang alam ko na itong ibig sabihin ni dad

"okay, I'll pay you later, get ready" pagkatapos nun tsaka niya binaba ang tawag, napansin niya siguro ako kaya niya ako nilingon, nag iwas agad ako ng tingin

"yaya found out dead" nagulat ako sa narinig ko di ko ito inaasahan, ang tagal mag sink in sa utak ko pero maya maya bigla nalang akong umiyak

  "Kasalanan ko ito" yan nalang ang nasabi ko tsaka ako humikbi, yaya don't deserve this akala ko traydor siya.

" don't worry, we'll find another maid" napataas bigla ang kilay ko. Naiinis ako. Find another maid? Di ba nya alam kung gaano kahalaga si yaya sally sakin.

"Palibhasa kasi, di nyo nakikita ang halaga niya. nung panahon na nag iisa lang ako, andiyan siya palagi sa tabi ko, eh kayo ba? Nasan kayo nung mga panahon na iyon? Dad, she's not just our maid naging parte din siya ng buhay ko" di ko na mapigilan ang Inis ko. Di niya ba nakikita kung gaano kahalaga si yaya sally

"You don't understand Raine..."
Really? Nag papa tawa ba siya? Eh ako? Naiintindihan ba niya? By the way, it's all his fault kung bakit wala na si yaya sally, nadadamay na iyong mga inosenteng tao dahil lang sa sarili niyang putik

"You don't understand me dad.." tsaka ako bumalik sa kwarto ko.

Maya maya biglang nag ring yung phone ko.

*Ariane calling...

"Hello yan?"

"[Hey! Tomorrow is our 1st day of school, aren't you excited? "]

"Not really"

"[Is there something wrong?]"

"No, i mean nothing"

"[Raine, I'm here okay?"]

Napabuntong hininga nalang ako, she's Ariane. ARIANE FAITH FUENTES she's my best friend.

"[Get ready for tomorrow okay? bye see you! Mwah"]

Tsaka niya tinapos ang tawag. Kilala na niya ako alam niyang Gusto ko munang mapag isa kapag medyo maikli lang iyong isasagot ko. She knows me better than myself

Maiiyak na naman ako kapag naalala ko si yaya hindi ko sya nagawang puntahan kagabi, sinisisi ko yung sarili ko pero huli na ang lahat kasi wala na siya. Di ko rin maiwasan isipin yung APAT kagabi. Isang babae at tatlong lalaki. Sino kaya sila? Pano nila nagawa iyon? Pinugutan ng ulo gamit lang ng dalwang kamay tsaka yung babae pa ang gumawa nun.

Nagtindigan yung mga balahibo ko kapag alalahanin ko yung nangyari kagabi.

Di ko nakikita yung mga mukha nila, pero di ko makakalimutan iyong mga mata nila, parang kakaiba hindi ko alam pero mas lalo akong kinakabahan.

Lumabas muna ako para magpahangin, gusto ko ito tahimik, sariwang hangin, ninanamnam ko ang hangin na dumampi sa balat ko kaya napangiti ako. Pinikit ko ang mga mata ko para mas lalo kung maramdaman ang simoy ng hangin pero parang may naka tingin sakin

Minulat ko yung mga mata ko tsaka ko nilibot ang paningin ko, siguro guni guni ko lang iyon kaya naisipan kong pumasok muna sa loob

Kahit nakatalikod na ako parang may kung sino yung naka tingin sa akin, di ko alam pero bigla nalang Nagtindigan yung mga balahibo ko.

Bigla akong humarap sa labas pero wala naman

Nahihibang na ata ako mas mabuti pang mag pahinga muna ako masyado na akong maraming iniisip






PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT & FOLLOW

THANKS A LOT!!!! MWAHHH

IG:Chrty_thegreat

Endless NightWhere stories live. Discover now