Chapter 3

0 0 0
                                    

ARIANE POV

Super Excited na akong makasama si Raine, di na ako mapakali kaya tinawagan ko siya

*Dialing...

"[Hello yan?"]

"Hey where are you na? Im already here!" sobrang nangungulila na ako kay raine huhu

"[Im on my way]"

"okay! Take care!" ibinaba ko din kaagad ang tawag

I really missed her...

Naisipan kong pumunta muna sa Canteen para bumili ng tubig nauuhaw kasi ako. Ang aga aga nakaramdam kaagad ako ng uhaw

"Aray!" ang sakit nun ah! Kala mo talaga pader iyong nabanggaan mo tao pala. Kainis! Nilingon ko siya

Ano tutunganga lang ba sya diyan? Di ba siya marunong humingi ng tawad

At tsaka teka bakit tinakpan niya yung ilong niya? Mabaho ba ako? Naligo kaya ako! Teka wait nag to toothbrush kaya ako! Pasimple kong inamoy yung bunganga ko okay naman ah. Baka siya tong may problema eh

Tinititigan niya lang ako, nangunot bigla yung noo ko. Alam kong maganda ako! Pero masyado siyang obvious like hello??? Awkward lang.

Siguro wala siyang balak humingi ng tawad kaya siguro ako nalang. Masyado kasi akong mabait

"Sorry"  sabi ko tsaka niya ako nilagpasan. Napa nganga ako sa ginawa niya, di ko matanggap yun ah!
Gina gago lang niya ata ako

Dumiretso kaagad ako sa room ko, hindi kami classmates ni Raine. Hays nakaka lungkot di ko man lang sya nakita before class, sabi niya on my way pambihira naman oh! Nagsinungaling pa, siguro di pa iyon naligo.

Nag Bell na kaya nag umpisa na ang 1st sub. Gusto naming mag aral talaga ni Raine dito dream school namin tong Forge University.

"Introduce yourself here in front, but before that let me introduce myself first. I am Stella Cameron I'll be your Chemistry teacher"

Napalingon agad kami sa bagong dating, siya?! Siya yung kanina ah don't tell me...

"Good Morning Mr. Fray" nagulat ako sa inasal ng teacher hindi dahil bumati siya kundi nag bow pa siya? She's a teacher, why would she do that to her student?!

Wala nang ibang vacant kaya wala siyang choice kundi tumabi sa akin, napahinto pa siya nung nagtama ang paningin namin tsaka kumunot ang noo niya.

Wait..

Is he wearing a contact lens? Iba yung kulay kanina eh tapos ngayon...

Di ko alam pero bigla akong kinabahan

"Can i sit?" ang cold ng boses niya, parang kakaiba siya eh

"Yes of course" tsaka pilit ko siyang nginitian

Wala man lang ka ekspresyon yung mukha niya, is he like that?

***

Habang nag di discuss yung teacher parang pakiramdam ko hindi ako komportable, nilingon ko siya ang sama ng tingin niya sa akin, oh no! May kasalanan ba ako? Di ko mapigilan na magtanong

"May problema ba?" tinititigan niya lang ako hanggang sa bigla nalang siyang umalis pero di pa tapos ang klase ang bastos talaga! Pero bakit ganun hinayaan lang siya ng teacher, pagka labas palang niya sa pintuan tsaka palang nag bell

Weird.

Pinuntahan ko kaagad si Raine sa room nila pero wala na siya kaya nagpasya akong sa canteen muna baka nandun na siya
Hinanap ko siya, nagpa linga linga ako para mahanap siya. Ayon!

Endless NightWhere stories live. Discover now