RAINE POV
Marahan kong tinulak ang pinto papasok sa Laboratory room ni dad dito sa mansion, ngayon daw nila gagawin yung operasyon sa dad ni Rosalie
[Flashback]
Papunta na sana ako sa kotse ko pero hinarangan ako ni Rosalie, kitang kita ko sa mga mata niya na namamaga na iyon di ko maiwasan na di maawa sa kanya.
"Rosalie.." bulong kong sabi sa kanya
Lumapit siya ng tuluyan sa akin tsaka niya ako niyakap ng mahigpit
"Raine, Please save my dad.. Walang alam si Mom sa lahat, We temporarily lived here for a month para ma convince ko ng masinsinan si tito Raymond" tumulo na naman ng tuluyan yung mga luha niya
"Rose.. I'll try to stop the operation" tsaka ko siya niyakap ng mahigpit
End of flashback..
Pagpasok ko ng tuluyan sa Lab room nadatnan ko kaagad yung mga bodyguards tsaka yung mga doktor hindi ko pa nakikita si dad, wala pa din yung dad ni Rosalie
"What are you doing here Ms. Augustine?" napalingon kaagad ako sa nagsalita. Siya yung Mr. Cleene
"Hinahanap ko lang si Dad" palusot ko
"He's not here yet, and also you're not allowed to enter here without the permission of your father" seryosong sabi niya habang nakapamulsa sa soot niyang lab gown
"Do i need his permission? I am his daughter and i have the right to enter here" napataas ang kilay ko habang sinasabi ko yun. Iniinis niya ata ako"This room is private Ms. Augustine i hope you understand.."
Maya maya may isenenyas siya sa mga guards kaya hinawakan nila yung magkabilang kamay ko para palabasin
Kailangan kong mag isip ng plano para matigil ito, hindi ko kailangang biguin si Rosalie
Pumunta ako sa living room para duk nalang hintayin ang dating nila dad, maya maya may narinig na akong mga sasakyan batid kong sila na yan agad akong napatayo at nagtago
Naunang pumasok ang mga bodyguards sumunod naman yung mga doktor tsaka si dad at yung dad ni Rosalie sa huli ay yung mga guards na naman kumbaga sila yung pinagitnaan. Pumasok sila kaagad sa Lab room
Pumunta ako sa kwarto ni dad para kunin yung Lab gown niya tsaka mask para susuotin ko mamaya
Itinali ko ang buhok ko tsaka ko sinuot ang Lab gown at surgical Mask tsaka gloves at nagsimula ng maglakad papuntang Lab room
Nakita kong iniupo na nila yung dad ni Rose tsaka sinimulan ng pagturukan ng kung ano ano, hinanap ko si dad busy siya sa monitor yung iba namang doktor busy sa pag aasikaso sa dad ni Rose nakisabay naman ako sa kanila, pero ang ginawa ko unti unti kong tinanggal ang mga nakatusok sa kanya pero di ko pinahalata.
"Aren't you done yet?" tanong ni dad. sa boses niya mukhang nauubusan na siya ng pasensya kahihintay matapos ang ginagawa sa dad ni Rose
"Malapit na po Doc. Raymond" sinulyapan ko si dad, napailing nalang siya
"Bakit natanggal to? Tapos na to eh" dinig kong sabi sa kaharap kong doktor, ramdam kong nakatitig siya sa akin kaya nagpanggap akong busy sa pagkukulikot dito sa likod
"Excuse me?" hindi ko siya nilingon nagpatuloy parin ako sa ginagawa ko, hinahawak hawakan ko lang naman yung wire na nakakonekta sa malaking machine sa gilid nito
Narinig kong tumikhim siya, inaaninag ko lang siya sa peripheral vision ko
"You're not familiar" dinig kong sabi niya, nagsimula na akong kabahan
Kaya pilit kong alisin ito
"Im new" ginawa kong iba yung boses ko para di ako mahalata
YOU ARE READING
Endless Night
Mystery / ThrillerSiya si Charaine Augustine she only wants a peaceful life. She met the FRAY. A family who's weird, cold and full of mystery. But someone got her attention. He is so good looking. *** The guy tries to avoid her because he respected their one and on...