WILSON POV
Kanina pa ako nakapansin na palihim na tumitingin yung kaibigan ni Ariane sa mga Fray kaya di ko din mapigilan na mapatingin sa kanila, sa di inaasahan nagkatinginan kami nung lalaking palaging tinitignan ni Raine matagal niya akong tinititigan kaya medyo nailang na ako at nag iwas ng tingin. Parang may kakaiba sa kanya hindi lang sa kanya kundi silang apat. Ibang iba sila kumilos parang di naaayon sa kilos ng isang tao. Nagtataka ako kung bakit sila iyong kinakatakutan dito pero mas lalo akong nagtataka kung bakit pati teachers ata eh natatakot sa kanila sino ba sila? Anong papel nila dito?
Masyado na akong naguguluhan mas mabuti pa ipagpatuloy ko nalang yung pagkain ko.
Saktong sakto naman pagka tapos kong kumain nag bell na kaya pumasok na ako sa room ko
Pagdating ko sa room nakita ko kaagad yung nag iisang babae ng mga Fray, si Novah. walang eskpresyon yung mukha niya at naka tingin lang siya sa harap,
Maya maya dumating na din yung teacher namin
"Ok class, get ready for our experiment"
Ngayon mag dissect kami ng isang american bullfrog kaya hinanda na namin yung mga kakailanganin namin
"Are you all ready class?"
"Yes teacher!"
"You may now start, you should end at 11:30 I'll be back"
Kaya inumpusihan na naming mag dissect.
***
"Ouch!" daing ng isa kong kaklase, napalingon ako sa kanya pati na din yung iba, dumudugo iyong kamay niya. Paano nangyari iyon? Nag gloves namn kami
"Chelsea are you okay?" tanong sa kanya nung isa kong kaklase
"May kinuha kasi ako sa bag ko di ko alam na may karayom dun, oks lang maliit lang naman to" pero mas lalo lang itong dumudugo kaya nag aalala na ako imbis na lapitan ko siya parang may kung ano akong nararamdaman na lingonin ko iyong nasa kanan ko kaya nakita ko si Novah na parang hindi mapakali, kumunot yung noo ko kasi titig na titig siya sa dumudugong kamay ni Chelsea. Napalingon siya bigla sa akin
Teka...
Nag iba yung kulay ng mga mata niya pero bakit ganun?
Mas lalo akong napatitig sa mga mata niya kaya bigla siyang tumayo at mabilis na naglakad palabas
Nagulat ako sa inasta niya, tinignan ko ulit ang kamay ni Chelsea pero binendahan na siya ngayon.
Posible kayang magpabago bago yung kulay ng mata? Pero bakit siya nakatingin sa kamay ni Chelsea? Kakaiba..
RAINE POV
Kanina pa ako nakikiramdam, parang may tumitingin sa akin mas lalo akong nangingilabot, di ko nato kaya kailangan kong malaman kung sino iyon.
Kaya bigla akong Napalingon sa likod ko. Nahuli ko siyang nakatitig sakin hindi ko alam pero mas lalo akong nangingilabot. Napalunok nalang ako at tsaka ko binalik sa harap ang paningin ko huminga ako ng malalim.
Kahit nasa harap ako nakatingin lutang yung isip ko, pinakiramdaman ko parin siya at batid kong nakatitig parin sya sakin. Hindi ako komportable sa lagay na ito.
"Ok class dismissed"
Niligpit ko kaagad ang mga gamit ko tsaka ko siya nilingon pero wala na siya ang bilis niya ata.
"Raine!" nilingon ko iyong tumawag sakin. Si Claire
"Uy Claire, bakit?"
"Gusto mo bang sumama sa amin bukas ng umaga? Sa beach. C'mon tomorrow is Saturday kaya dapat mag enjoy muna tayo"
YOU ARE READING
Endless Night
Misterio / SuspensoSiya si Charaine Augustine she only wants a peaceful life. She met the FRAY. A family who's weird, cold and full of mystery. But someone got her attention. He is so good looking. *** The guy tries to avoid her because he respected their one and on...