Martes. Nag-grouping sa Filipino. Pina-explain yung Kabanata V ng El Filibusterismo. Sakto namang ka-group kita. Minsan, blessing in disguise pala talaga na hindi kita katabi.
First time nating nag-usap nang mahaba-haba ngayong month. 'Yong huli na ata nating long conversation is nung birthday mo last month.
Alam mo bang halos di ko na naintindihan 'yung mga sinabi mo kasi nakatingin lang ako sa mukha mo? 'Di bale naman, nabasa ko na rin naman 'yon. 'Di ko naman kailangan ng mag-eexplain sa akin no'n kasi madali lang naman siyang intindihin.
Basta ang alam ko lang, nakatitig ako sa'yo. Nakatingin ako sa singkit mong mata na lumalaki paminsan-minsan. Nakatingin ako sa ilong mong hindi masyadong matangos pero hindi rin masyadong pango. Nakatingin ako sa kaunting buhok na nasa taas ng labi ko. Nakatingin ako sa mga pimples mo sa noo. 'Yun ang most glorious 40 minutes ng buhay ko.
Buti na lang, 'di mo ako nahuli. Manhid.