Dear Ikaw 7

61 4 0
                                    

Dear ikaw,

Sabado. 

Nakakabagot sa bahay. Wala akong ginagawa kundi tumulong maglinis, magbasa ng librong nabasa ko na, manood ng mga noon time shows, at tumitig sa cellphone kong walang kwenta dahil walang load.

Ba't pa ako magpapaload? Di ka rin naman nagtetext sa akin. Alam ko nga number mo, di naman kita matext. Nakakahiya kaya! Paano naman kita itetext? Ano namang sasabihin ko?

Simpleng 'Hi' lang ba? O may kasamang 'Musta'? Baka naman dapat may 'hey'! Sabihan ko na lang ata siya ng simpleng 'I love you' e! 

Schlecht. Scheisse. Pfeife. Stop whatever you're thinking right now! Love mo na agad siya? Ano ka ba? Isang hamak na fourth year student lang tapos pag-ibig na iniisip mo! 

Nakakabobo ang pag-ibig. Nakakabobo ka. Running for valedictorian pa man din ako. Arschloch.

Dear IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon