Dear Ikaw 4

67 5 0
                                    

Dear ikaw,

Miyerkules. Tapos na ang 'glory moment' ko no'ng Filipino time. Bakit? Iba na kasi yung kapartner mo. Iba na rin ang kapartner ko. Tinanong ako nung kapartner ko kung bakit matamlay ako. Sinabi ko, wala. Pero 'di pa rin niya ako tinigilan. 

Alam mo pa 'yong mahirap? 'Yung ako, heto, halos mabali ang leeg sa kakalingon sa'yo tapos ikaw, naka-tingin lang sa kapartner mo na naka-titig lang sa'yo. I doubt kung nakikinig pa 'yan sa'yo. Ikaw lang naman n'yan ang sasagot sa mga exercises e. Boba kasi 'yang ka-partner mo. 

Sana kasi ako na lang, 'di ba? At least, kahapon, na-perfect natin 'yung exer kahapon. Ngayon kaya, ma-perfect niyo kaya 'yan?

Leche. Buong araw kong inisip 'yang Filipino time na 'yan. Buti na lang, dumating na ang TLE time. Ka-grupo kita sa pagluluto at ngayon, iilan sa mga kasamahan natin ang absent kaya naman nagka-usap ulit tayo. Nagtanong ka sa akin kung anong pwede mong itulong. Gusto ko sanang pa-upuin ka na lang kaso, magkukulang tayo sa man force kaya naman pinalinis ko ang mga gulay sa'yo at pinahiwa ang iba. 

Nakita ko namang hirap na hirap ka sa paghihiwa ng patatas kaya naman tinulungan kita. Pinakita ko sa'yo kung paano maghiwa at nginitian mo ako nang malaman mo kung paano manghiwa. Buti na lang talaga chef si Papa at tinuruan niya ako sa kusina. Mental note: Kiss my father later.

Pagkatapos maluto no'ng niluluto natin, lumapit ka sa akin at nagpasalamat. Sinabi mo pa nga na kapag magka-grupo tayo, laging mataas ang grade mo. Sana lagi tayong magkagroup, ano?

'Di mo pa ba nagegets? Maybe this is the universe' way of saying na we're meant for each other. Masyado ka lang attached do'n sa ex mong make-up na tinubuan ng mukha. 

Bwisit. Mas maganda naman ako do'n. 

Dear IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon