Dear ikaw,
Huwebes.
ANAK NG TINALUPANG TOKWA!!! 'Eto na siguro ang best 10.16 na buhay ko. Kinausap mo ako! Nag-usap tayo! As in, tayo! 'Yung hindi dahil may project tayo o kaya nanghingi ka ng something sa akin.
Kinausap mo ako dahil wala lang. Ni hindi ko nga alam kung paano tayo nagsimula e. Ang natatandaan ko na lang, pinag-uusapan na natin ang tungkol buhay-buhay natin.
Oh my gosh.... Di kaya... Di kaya, may gusto ka na sa akin kaya naman nacucurious ka sa mga nangyayari sa akin? Ikaw ha, di mo naman kailangang magpakahirap. Sana sinabi mo na lang agad. Edi madali ang buhay natin? Ikaw talaga... You always like it the hard way.
Yung ka-group ko kahapon si Filipino, di na naman ako tinigilan. Bawalan mo nga siya. Pero 'wag mo na lang sasaktan. Mabait naman siya, makulit nga lang.
NAKNG. Di ako makagawa ng assignment!!!! Ikaw kasi e. Sinendan mo ako ng friend request sa Facebook. Di ko muna in-accept. Syempre, pakipot muna dapat. Pero, I'm relieved na sinendan mo ako ng friend request. At least, di na ako laging lilipat sa dummy account ko para lang makita ang mga pinopost mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/24702459-288-k999138.jpg)