Dear ikaw,
Lunes. Ito ang pinakamahirap sa mga araw ng linggo. Di ko alam kung maeexcite ako dahil makikita kita ng isang buong araw, o malulungkot dahil alam kong hindi mo naman ako mapapansin sa buong araw na darating.
Nag-ayos ako, para naman sana mapansin mo nang kahit kaunti lamang. Nag-eeffort pa rin ako kahit na alam kong alikabok lang ako para sa iyo. Di ko alam kung bakit ang drama ko. Kasalanan mo e.
Dumating ako sa school. As usual, nandun ka na sa pwesto mo. Nasa harapan kita kaya naman buong araw akong nagtitiis na tingnan ang batok mo. Parang sa simbahan lang. Buti na lang at nasa likod ang ilan sa tropa mo kaya napapalingon ka rin paminsan-minsan at nakikita ko ang dimples mong sobrang lalim. Buti na nga lang, binibigyan mo ako ng mga sulyap ngayon, di katulad kahapon. Nahihiya ka bang ipakilala ako sa mga magulang mo? Hahaha, ang adik ko lang diba.
At least, kinausap mo ako ngayon.
