Dear Ikaw 1

158 7 1
                                    

Dear ikaw,

Linggo. Nakita kitang nagsimba, kasama mo family mo. Narinig ko pang sabi ng Ate mo na first time niyong maging kumpleto tuwing misa. Naniwala ako sa kanya dahil iyon ang first time kong magsimba ulit after a long time.

Nasa bench kayo na nasa harapan ng bench namin. Alam mo bang sobrang tuwa ko dahil halos magkatapat pa tayo ng upuan? Eto na naman tayo e, kakasabi lang na tama na, tigil na. Pero anong ginagawa? Sige pa rin! Minsan magulo rin tumakbo ang utak ko e.

Noong oras na para mag-peace be with you, hinihintay kong lumingon ka sa pwesto ko. Pero hindi mo ginawa. Kahit isang tango man lang, hindi mo nagawa. Alam mo bang ang tagal kong nakatitig sa batok mo at pilit na binubulong ang mantra ko? Pero hindi ka pa rin lumingon. Hanggang sa kinalabit na ako ng katabi ko dahil Ama Namin na.

Pagkatapos ng misa, nagmano ako sa mama at papa mo. Nakakahiya naman kung hindi ako magmamano, lalo na't kaibigan na matalik ng papa ko ang papa mo. Silang dalawa, kinamusta ako. Pero ikaw, ni isang sulyap, hindi mo ako pinagbigyan. Ganyan ba ako ka-invisible sa iyo?

Magkaklase naman tayo diba? Monday to Friday naman tayong nagkikita pero bakit kahit isang tingin lang for acknowledgment, hindi mo magawa? Lagi ka pa namang nanghihiram ng gamit sa akin. Ganoon lang ba ako sa'yo? Parang isang tindahan ng school supplies?

Ewan ko sa'yo. Nakaka-turn off ka. Malakas ang sapak mo sa ulo. 

Dear IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon