Chapter 3: Surprise

28 3 0
                                        

Hannah's POV

"Ikaw?!" Nagulat ako nang makita ko ang itsura ng kaharap ni Dad. Bakit 'to nandito?

"O anak, magkakilala kayo?" Tanong ni Dad na tila nagulat din sya sa reaksyon ko.

"Opo. Statistics Professor ko po siya." Sabi ko habang nakatingin pa rin ako kay Sir Mark. "Sir, ba't po kayo nandito? May ginawa po ba akong mali? Mababa po ba grades ko? O dahil po ba yun sa nabangga ko kayo kahapon? Sir, di ko naman po talaga sinasadya eh. Sorry po talaga. Di naman po kailangan umabot sa tawagan ng parents eh." Di ko na alam yung pinagsasabi ko. Bigla akong kinabahan nang makita ko silang naguusap ni Dad. Kaya ba ako pinagmamadali ni Dad kasi papagalitan niya ako. OMG! Ano bang nangyayari? "Dad, kung ano mang sasabihin niya sayo wag kang maniniwala ah." Turo ko kay Sir Mark. Loko 'to! Lakas ng loob magsumbong

"Alin? Na-gumraduate siya sa Near Western University? O ang hilig din niyang manood ng basketball games kagaya ko?" Tanong ni Dad. Huh? Anyare? Kahit ako medyo naguluhan din sa mga nangyayari eh.

"Hannah, ano bang pinagsasabi mo? Yung nangyari kahapon? Nakalimutan ko na yun. Atsaka anong mababang grades ang pinagsasabi mo? Hindi pa nga tayo nakakatapos ng one week, may grade ka na agad?" Natatawang sabi ni Sir Mark.

"Eh bakit kayo magkasama ni Dad?"

"Kas-" Sasagot na sana si Daddy nang bigla naputol ang sinabi nya dahil dumating ang isang middle aged na babae. Sa tansya ko, mga kaedad ito ni Daddy.

"Hi Miguel. I'm so sorry I'm late. May nangyari lang kasi sa office eh." Beso nito sa tatay ko atsaka ito napatingin sa akin. "Is this your unica hija?" Tanong nito sa tatay ko habang nakatingin ito sa akin.

"Yes Wilma. Meet my daughter, Hannah. Hannah you already knew Mark diba? This is Mrs. Vallesteros, Mark's mom." Pakilala ni Daddy sa amin. Anong meron? Magdidinner ba kami ngayon dahil sasabihin na ni Daddy sakin na magpapakasal na siya? At ang mama ni Sir Mark ang stepmother ko? What's happening?

"Upo na po kayong dalawa, Ma." Aya samin ni Sir Mark.

"Wait lang po ahh. Bago ang lahat, magkaano-ano po ba kayo ni Mrs. Vallesteros?" Tanong ko kay Daddy.

"Bestfriends kami ng college anak. Siya rin ang may-ari ng Panda Pharmaceuticals. Nagmeet kami ngayon dahil may importante kaming paguusapan." O so business meeting lang to? Hayy..akala ko naman kasi kung ano na. Ano ka ba naman kasi Hannah?! Masyado ka kasing nagiisip ng kung ano-ano eh.

"Tita Wilma nalang tawag mo sakin. Napaka-formal naman ng Mrs. Vallesteros." Ngiti nito sa akin.

After naming umorder ng food which is sobrang nakakalula dahil sobrang daming side dishes at nananakam ako sa inorder kong samgyetang (ginseng chicken soup), nagcatch up na sina Daddy at Tita Wilma dahil di na daw sila gaanong nakakapagusap dahil sa dami ng trabaho habang kaming dalawa ni Sir Mark ay nanatiling tahimik na kumakain. Ang awkward pa rin sa'kin ng mga nangyayari. Dinner with Mr. Gwapo with our parents? Seems like a pamamanhikan na. Shut up, Han!

Dumating ang dessert, which is bingsu and some Korean rice cakes (my favorite desserts BTW), at sinali na kami ni Sir Mark sa usapan.

"Anak, Mark. The reason why we're here tonight is because may mahalaga tayong paguusapan." Seryosong tono ni Daddy. Napatigil kami ni Sir Mark sa pagkain.

"Whoa, Dad! Why so serious?" I chuckled.

"Anak, tungkol ito sa history namin ng Mom mo." Nawala ang mga ngiti ko sa mukha ko.

"To be honest, di naman kasi talaga ako yung mahal ng Mom mo eh. Fixed marriage ang nangyari sa aming dalawa. Mahal talaga ng Mom mo si Fernan, which is yung dad ni Mark. Si Fernan naman ay na-fixed kay Wilma. Natutunan lang akong mahalin ni Helga simula ng nagdalangtao siya sa'yo." Ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan ni Mom. "Bago mamatay si Fernan, hiniling nya samin na ipakasal ang mga magiging anak namin na tila sisimbolo sa naudlot nilang pagmamahalan." Di ako makapaniwala sa narinig ko.

"Whoa, Dad! Pause lang tayo ah.Baka po nakakalimutan nyong June ngayon at di April para magloko."

"Mukha ba kong nagloloko anak?"

Hindi naman yata tama 'to. Tumaas ang boses ko dahil sa mga nalaman ko. "Hindi naman kasi reasonable yung dahilan nyo eh. Papayag kayo dahil lang sa symbol kami ng dating nilang pagmamahalan? That's years ago. Sinong gugusto na papakasalan ng anak mo yung anak ng ex mo. This is so ridiculous." Napatingin ako kay Sir Mark. Nakayuko ito at di umiimik. Ano 'to? Ok lang sa kanya itong mga nangyayari? Napatingin din ako sa paligid namin at walang gaanong nakatingin sa'min dahil wala din namang gaanong tao dahil past dinner na.

"Anak, huminahon ka nga." Kalmadong sabi ni Dad.

"Oo nga iha. Wag kang magpadalos dalos sa ikinikilos mo." Singit ni tita Wilma.

"Dad kasi! Parang ginagawa mo kong snowman nyan eh."

"Snowman? Bakit naman kita ginagawang snowman?"

"Snowman! Frosty the snowman! In short, prostitute." medyo hininaan ko na ang boses ko at pinipilit kong pakalamahin ang sarili ko. "Parang binebenta mo ako eh."

"Anak, di kita binebenta. Tinutupad ko lang huling hiling ng kaibigan namin. Di kami matatahimik hangga't di namin nagagawa ang gusto nya."

"Di mo rin po ba kayang gawin yung hinihiling ko na wag mo po akong ipakasal?" Natahimik si daddy dahil sa sinabi ko.

"Anak--" Di na natapos si Dad sa sasabihin nya dahil tumayo nako sa kinauupuan ko.

"Dad, I'm sorry pero di ko magagawa yung hinihiling nyo. It's really absurd. Tita Wilma, I'm sorry din po." Tumingin ako kay Sir Mark bago ako umalis at hindi na ako nagpaalam sa kanya. Nanahimik pa rin sya hanggang sa huli.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ugh, kainis. Bakit pa kasi ako nagtaxi kanina eh? Kakarampot nalang tuloy yung pera ko. Buti nalang may 50 pesos pako dito pangbus. Ayoko namang magwithdraw ng pera kasi baka mamaya maholdap pako sa bangko. Sa totoo lang, kinilig ako sa idea nila ng pagpapakasal kay Sir Mark, pero duh mali pa rin yun eh. Dapat magpapakasal ka kung mahal mo yung tao, hindi dahil crush mo sya. Yup, crush. Cute naman kasi sya eh kaya pwede nang pagtiyagaan as being crush.

Habang hinihintay ko yung bus, nagulat ako ng may tumabi saking lalaki..

"Buti nalang nandito ka pa." sabi ng lalaking tumabi sakin.

"Well, na-traffic yata yung bus kaya matagal eh." sabi ko sa kanya.

"Look, about what happened earlier, sorry kung di ako nakapagsalita." Pag-explain ni Sir Mark.

"It's ok. Mukha naman kasing nagulat ka din sa pangyayari. Magkaiba nga lang tayo ng reaction." Naiinis lang naman ako sa kanya. Di man lang kasi sya umimik kanina.

"Ako? Nagulat? Well, not exactly because I already knew about it before we even met. The thing na ikinagulat ko is you. Di ko alam na ikaw pala yung tinutukoy nila na Torres." sabi niya habang ako naman umupo sa bangko sa bus stop.

"Whatever. So ano ng gagawin natin niyan? Are we still getting married?" Umupo ako sa tabi nya.

"I don't know. Ikaw? Gusto mo ba?" Ang galing. Ibalik daw ba ang tanong sakin.

"Syempre ayaw ko no. Ang bata-bata ko pa." Napatayo ako sa kinauupuan ko at tumingin sa kanya. "Ni wala pa nga ako ni isang boyfriend, kasal agad? Gusto ko munang maranasan ang magkaboyfriend. Gusto ko maranasan yung kilig, ma-kiss sa forehead ng taong mahal mo, yung mamahalin ka rin taong mahal mo, ganon. Hindi yung altar agad ang bagsak." Confess ko sa kanya. Bigla syang tumawa. Aba nakakaloko na'to ah. "Excuse me? Anong nakakatawa?"

"Nothing. It's just that I never thought na magcoconfess ang student ko sakin na never pa syang nagka-boyfriend."

"Funny, eh? Seryoso ako dito tapos ikaw, tinatawanan lang ako."

"I'm sorry." Nagseryoso ang mukha nito. "Look, if you don't really want us to get married, I understand. We'll just have to find a way para di matuloy tong kasal." Ayos. Mukha naman palang magkakasundo kami ng mokong na 'to eh.

"I'll help you find a way." Ngisi ko kay Sir Mark.

Draw Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon