Chapter 1: First Encounter

88 3 3
                                    

Hannah's POV

Goodbye summer...Hello, new school year...

Hayy...kailan ba ako maeexcite sa pasukan? Nakakatamad ng pumasok ng school. The only thing that I'm excited for is to see my friends even though halos buong summer ko silang kasama. Wait, nasan na ba sila? Kanina pa ko naghihintay dito sa pavilion eh.

"Hannah!" Narinig kong sigaw mula sa malayo. Pagkalingon ko, nakita ko si Dianne na tumatakbo papalapit sa kinauupuan ko. "OMG! I miss you." Sabay yakap sakin.

"Uhh..A. Stop hugging me. B. I don't miss you." Pagtataray ko sa kanya.

Inalis ni Dianne ang pagkakayap sakin. "Wow hah! Thank you! Ikaw na nga 'tong namimiss ko tapos sasabihan mo ko ng ganyan."

"Alam mo naman kasi na ayaw kong niyayakap ako eh. Lalo na ang aga-aga tapos ang lagkit mo na. At paano kita mamimiss? Eh buong summer kitang katext, kachat, katelebabad at ilang beses pa tayong nagouting. Isa pa, lagi kang nagsesend ng snaps mo no. In short, nagsasawa na ako sayo."

"Ay oo nga." Sabi ni Dianne atsaka ito tumawa. Mukha talaga siyang baliw. Friend ko since birth si Dianne. Sa pagkakatanda ko, halos sa lahat ng bagay ay magkasama kaming dalawa. Di ko siya bestfriend pero bestfriend niya daw ako eh. Kaya hinayaan ko nalang sya sa gusto niya.

"Ohh Eika texted me. Sabi nya wag na daw natin siyang hintayin dito kasi makikipagkita daw muna sya kay Allen."

"Ugh..ang aga-aga tapos landi agad ang inuuna. Sabihin mo kanya na wag siyang malelate sa Biological Psychology class natin." Oo alam ko. Wala akong ginawa kundi mag-whine. Mabait naman ako eh. Palangiti din naman ako. Sadyang wala lang ako sa mood na pumasok ngayon. "Eh si Audrey nasan na? Di sya nagrereply sa mga texts ko eh."

"Same here. Tinawagan ko na nga rin sya pero di sya sumasagot eh. Baka tulog pa."

"Five minutes nalang at tutunog na yung bell no. Sa Century Building pa yung room natin." Reklamo ko na naman. Sorry. Get used to it.

"Let's go ahead nalang? Text ko nalang siya at sana mabasa niya yun. Sabihin ko nalang na nauna na tayo." Suggest ni Dianne at pumayag nakong umalis kami.

Habang naglalakad kami, biglang tumunog ang bell na senyales na simula na ang first class ng ibang students, which is kasama kami don. At dahil don, napatakbo kami ni Dianne with our button down blouse and plaid skirt with matching flat shoes. Ayoko kaya na may heels ang shoes ko for school. It is because sa laki ng Elbridge, mamamaga ang mga hita at paa mo kakalakad papunta sa mga klase mo.

Nang malapit na kami sa building, nabangga ko ang isang lalaki pero dere-deretso pa rin ako sa pagtakbo. Terror kaya yung prof ko sa Bio Psych. Mahirap na at baka magalmusal kami ng sermon sa klase kapag tumigil ako sa pagtakbo. Lumingon ako sa lalaking nabangga ko at nakatingin ito sakin habang pinapagpag nya ang sleeves nya. He's wearing a royal blue na button down long sleeves and black pants. He looks like a new student because he's not wearing our uniform. Hmm.. pwede na. Gwapo na rin pero wala akong time dyan ngayon. Mas importante ang makaabot sa klase ni Mr. Ferrer. Kaya sinigaw ko nalang, "Sorry! I didn't mean to do it! Magsosorry nalang ulit ako sayo ng matino sa susunod na makita kita!"

Pagdating namin sa room namin, wala pa si Mr. Ferrer. Hayy..sayang ang takbo. Napa-exercise pako ng di oras. Nakita din namin na nakaupo na si Audrey sa bandang harapan ng room.

"Hey! Why didn't you bother to text or call us na didiretso ka na pala dito. Edi sana di ka na namin hinintay at napatakbo pa kami papunta dito." Sabi ko kay Audrey.

"Sorry. I thought na nandito na kayo kaya dumiretso nako. Nakalimutan ko kasi yung phone sa bahay kaya di ako nakareply sa inyo."

"It's ok. You're forgiven." Ngiti ni Dianne.

"No. You're not." Sabi ko sa kanya. Lolokohin ko lang tong babaeng to.

"Sorry na nga eh. Di ko naman sinasadya." At ayun, nagpouty lips at maluha-luha ang lola. Bat ang dali nitong paiyakin. Kahinaan ko pa man din yung mga ganyan.

"Ugh..I was just kidding. You're no fun." I give up. Umupo na kami sa tabi ni Audrey at maya-maya lang ay dumating ang prof namin.

Wala naman kaming gaanong ginawa dahil first day palang naman. Introduce yourself lang which is sobrang elementary days and nagdiscuss lang si Mr. Ferrer ng syllabus. At si Eika? Ayun, late. Kaya napagalitan ang haliparot kong kaibigan.

After ng Bio Psych class namin, pumunta kami ng caff para kumain at tumambay dahil may isang oras pa naman kami before yung next class namin. Pagkatapos ay pumunta na kami sa Millennium Hall para sa Statistics class namin. Ugh.. I hate Math. Psychology ang degree program ko. Bakit may Math?

Dumating kami sa Statistics ng di tumatakbo. Ayun, wala pa ding prof pero mukhang halos andito na lahat ng kaklase ko dahil kakaunti nalang ang mga upuan na natitira. After few minutes, may pumasok na lalaki sa pinto. OMG! Sya yung lalaki na nabangga ko kanina ahh. Kaklase namin sya? Akala ko ay uupo siya sa isang silya pero nagulat ako nung tumayo ito sa harapan ng klase.

"Good Morning, 2nd year Psych students! I'm Mr. Mark Vallesteros and I am your Statistics professor."

Draw Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon