Chapter 2: Glance

49 2 0
                                    

Hannah's POV

Kamusta naman yung feeling na prof mo pala yung nabangga ko? Ugh. Can I kill myself right now? Like, literally. Eh wala naman kasi sa itsura niya ang pagiging professor. Ang bata ng mukha niya at tila isa siyang college student. Ilang taon na ba to? Di kaya nanttrip lang to? Kunwari prof lang tapos student pala.

Tinignan ako ni Dianne at mukha rin itong gulat na gulat sa nakita niya.

"Since it's your first day today and well, my first day too in this institution, you're going to introduce yourselves in your seats, tell me the subject that you hate the most, and explain why. After that, I'm going to start discussing the syllabus of this subject." Sabi ni Mr. Gwapo. "Uumpisahan ko na. I am Mark Vallesteros. You can call me Sir Mark and I hate the subject History because past is past. Bakit kailangan pa nating balikan ang nakaraan?" Tapos nun, isa-isa ng nagsitayuan ang mga kaklase ko. Sino ba 'tong mga 'to? Bakit parang ngayon ko lang nakita yung mga pagmumukha ng mga kaklase ko? Wala man lang ni isa ang nagsasabi na hate nila ang math. Tsss...mga hypocrites. Sino ba namang estudyante ang gugusto sa Math?

Tumayo ako ng turn ko na, "Good morning! I am Hannah Torres and I hate the subject Math because I hate how we keep studying about it, but most of it wasn't really used in real life." Pagkasabi ko nun ay umupo nako.

"Hmmm..Ms. Hannah, ikaw ang pinakauna sa klase na to na hate ang Math. I will make sure that at the end of the semester, magugustuhan mo na ang subject na'to."

"We'll see about that sir." Ismid ko at bumalik ako sa aking pag-upo. Patayo na sana yung katabi ko ng biglang nagsalita si sir.

"Oh wait, may nakalimutan ka bang sabihin sakin?" Tanong nito.

"Huh? Ako? Ano pong sasabihin ko sa inyo?"

"Yung sasabihin mo sakin ng harapan sa susunod na magkita tayo." Oh yeah right. Muntik ko pang makalimutan yung sinabi ko sa kanya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko "Uhh...Sorry sir for bumping into you earlier. Nagmamadali po kasi ako kanina for my class." Napayuko nalang ako habang sinasabi ko ito. Nakakahiya talaga. At sa harap pa talaga ng klase nya ito niremind sakin.

"It's ok. Just please next time magsorry ka ng matino sa nabangga mo ahh." Ngiti nito sa akin. Tss. Hindi na maganda ang record mo sakin sir. Shemay nakakahiya.

"Opo sir. Di na po mauulit." Sayang ka. Gwapo ka pa man din kaso namamahiya ka eh. Crush na sana kita eh.

"It's ok. You're forgiven na naman. You may take a seat na. Next." Sabi Sir Mark.

"Ang swerte nya no. Nakabunguan nya si Sir Mark."

"Oo nga eh. Kung ako yan, kikiligin ako ng bongga." Narinig ko ang mga kaklase ko sa likuran na nagbubulungan. What? Ako swerte? Ako kikiligin? No way! Well, to be honest, medyo lang naman. Pero mas nangibabaw ang pagpapahiya nya sakin sa harapan ng klase eh. Di talaga ito ang araw ko.

"Ano Hannah? Iddrop mo na ba ang Stats?" Sabi ni Eika pagkalabas namin ng Stats room.

"He said he forgave me."

"You'll never know. Ganyan ang mga prof di ba? Sasabihin nila na ok lang ang lahat pero yun pala they hold grudges. Gaganti sila through grades mo." Sabi ni Audrey.

"Eh kung ganun hindi ako magddrop sa klase na yun. Napakaunfair naman nya kung saka-sakali." Dahil lang dun gaganti yung prof ko sakin? That's not fair. Mukha namang di ganun yung si Sir Mark eh.

Natapos ang araw ng klase ko ng normal. Well, except dun sa mga nangyari kaninang umaga. Hay.. Finally! I can rest. Oh yeah, right! Magcocommute nga pala ako pauwi. Nice. Makakapagpahinga nga talaga ako ng bongga. I have a car and a driver naman pero mas makakatipid ako kapag nagcommute ako. Ayaw pumayag ni Dad na magcommute ako dahil mas safe daw kung magccar ako pero mas gusto ko yung feeling na nagcocommute ako eh. Nakakapagod nga pero iba't ibang pangyayari naman ang mararanasan mo. Pwede kang maholdap, masnatchan at masama sa protesta sa Legarda. Never ko pang naranasan yun pero I want to experience it though. Weird na kung weird pero gusto ko mafeel yung bilis ng tibok ng puso mo kapag naholdap ka. Ok tama na! Eto na yung bus. Pagsakay ko sa bus, umupo ako sa favorite seat ko sa bus, ang right seat sa tabi ng bintana sa likod ng bus. Ewan ko ba, feeling ko kasi ako yung may-ari ng bus kasi kita ko ang lahat ng pangyayari mula sa likuran at ang ganda din ng view ko sa labas ng bintana. Mga sidewalk vendors, squatters, traffic, ganun.

Draw Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon