Hannah's POV
I feel pretty confident with our plan. One year? Yeah, I think I can live with that person for a year. Sa bilis ng panahon ngayon, di ko na siguro mapapansin na nagdaan na ang isang taon. Besides, imposibleng magkadevelopan kami sa mga panahong 'yon no. I think. It's been two weeks since Sir Mark and I agreed with our plan. Of course, sobrang saya ng mga magulang namin. Akala siguro nila maiisahan nila kami. Hah!
The wedding will be in two months. Ang bilis ba? I know! Super excited kasi sina Dad and Tita Wilma. Simula ng marinig nila nag pumayag kami ni Sir Mark, ayun! Tinawagan na nila lahat ng magaasikaso sa wedding. I don't really care on what the wedding will look like. Besides, it's not my real wedding naman eh. Ako na ang magpaplano kung sa kasal siguro namin ni Wacky. Weeee. Iniisip ko palang kinikilig na 'ko. Garden wedding tapos may arch sa altar na puno ng white roses. Napapaligiran din kami ng waxflower kasi daw it symbolizes lasting love. Tapos andun daw yung mga close friends and relatives namin. Ganun lang naman kasimple yung hiling ko eh. Pero ayun nga. Hindi si Wacky ang mapapakasalan ko sa pagkakataong 'to.
Hannah, isang taon lang. Kaya mo yan!
"Miss Torres!" Huh? Tinignan ko si Sir Mark. Naalala ko, nasa Stats class nga pala ako ngayon. Shiz! Ang seryoso ng tingin nito sa'kin. Kinalabit ko si Dianne. "Huyy. Anong nangyayari?"
"Bakla ka. Kanina ka pa tinatawag ni Sir." Bulong niya sa'kin. Gulp. Di ko man lang napansin na kanina pa'ko nakatingin sa bintana ng classroom namin.
"Will you please stand-up Miss Torres?" Pagkasabi ni Sir Mark ay napatayo agad ako. "Kung nakikinig ka sa klase ko, what is the meaning of outlier?" Outlier? Familiar 'to ah. Hmmm. Ano nga ba yun? Muli siyang nagsalita, "So? Hindi mo alam? You should be listening to my class kasi." He smirked, then tumalikod niya sa klase as he was about to continue writing on the board.
"Wait lang, Sir. I know the answer." Muli siyang humarap sa klase upang makinig sa mga susunod kong sasabihin, "Outlier is a data that lies outside the overall pattern of other observation. Tama po ba?" Pagtaas ko ng kilay. Napa-tango na lamang siya sagot ko atsaka nako naupo sa upuan ko. Thank you, highschool stats!
"Ooh! Nice one, Han." Puri ni Eika. I pat myself on the back.
"I was just making sure na nakikinig ka sa klase ko." He cleared his throat at nagpatuloy na sa pagtuturo sa klase. This time, sinigurado ko na makikinig nako sa klase niya.
Sa wakas! Natapos din ang Stats class. I was getting ready to go home nang lumapit sa'kin si Sir Mark.
"Miss Torres, do you have a minute?" Ano na namang gusto nito?
"Ooh. Lagot. He might be mad na napahiya mo siya kanina." Bulong ni Audrey. I motioned to my friends na mauna na silang umuwi at nagpaalam na sila sa'kin. We waited for the other students to vacate the room bago nagsalita si Sir Mark.
"So, I was just wondering if meron kang alam about this surprise na sinasabi ng mom ko." He crossed his arms and waited for my answer. Surprise? Anong surprise?
"Not that I know of. Wala namang nabanggit si Dad at Tita Wilma sa'kin. Why? Malapit na ba ang birthday mo? Baka para dun yung surprise." Tanong ko sa kanya.
"Nope. She said na it's a surprise for the both of us."
"Another surprise? Hindi pa ba enough na ikakasal tayo?" Now, I'm curious kung anong surprise 'yon.
"Never mind. Baka naman wala lang 'yon. By the way, are you going home na ba?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Yes. Why?" Bakit bigla 'tong nagtanong about sa'kin?

BINABASA MO ANG
Draw Me Close
TienerfictieBabala! Sinulat ko ang kwentong ito noong 2015 pa. In short, luma na and it might be a common story for others pero gusto ko pa ring ishare ito sa lahat. :) Hannah Torres is not your average college student. Bukod na siya na ang anak ng may-ari ng s...