Chapter 4: The Plan

31 3 0
                                    

Hannah's POV

The next morning, I went to school pretty early kahit na tanghali pa ang pasok ko kasi gusto kong iwasan si Dad. I'm still mad at him for setting me up with a guy. Specifically, my professor. My freaking professor! I don't even know how old my professor is! What if nasa 30s na pala siya? Edi, we have like, more than a decade age difference. Eww! That's just gross. Pero in fairness ah. He doesn't look like he's in his thirties. Makikita ko pa man din pala siya ngayon. Di ko alam kung paano ako kikilos in front of him. Bahala na lang mamaya.

Since I still have some time before my first class, nagdecide na muna akong pumunta ng library para gumawa ng schoolwork. It's not even a week pero tambak na agad kami ng gawain. Welcome to university! While I was doing my DevPsych homework, nagtext sa'kin si Ate Kath, ang president ng EUC.

"Attention, Koralistas! We will be having our first meeting for this school year later at 6P.M. To those who have a class until 9P.M., please coordinate with your respective leaders to get the minutes for the upcoming meeting. Thank you and have a great day!"

Bukod nga pala sa pagiging isang mabuting mag-aaral, miyembro din pala ako ng Elbridge University Chorale. EUC for short. Ayan lang naman ang escape ko when it comes to the reality of life. Singing. When I sing, it seems like I have my own world. Lalo na siguro kapag maganda yung meaning ng kanta. Bawat liriko nito ay damang-dama ko. Ayaw nga ni Dad na sumali ako dito kasi he said that I should be focusing on my studies since ako ang tagapagmana ng Apollo. In the end, napilit ko rin siya. Hindi niya yata ako matitiis no.

I replied to Ate Kath, "See you later, Ate."

It's time for my first class, which is Stats. Galing 'di ba? Mukhang magsasawa ako sa pagmumukha ng taong yun. Naglalakad na 'ko patungo ng Millennium Hall nang nakasalubong ko si Sir Mark.

"Fancy seeing you here, Miss Torres." Bati niya sa'kin.

"Fancy ka diyan. Papunta na'ko sa klaseng mong boring no." Pagsusungit ko sa kanya. Teka, I'm allowed to be masungit naman towards him 'di ba? Hindi naman siguro maaapektuhan ang grades ko nito. He just smirked at me at tahimik na kaming nagsabay na naglakad papunta ng klase.

"Ano nga palang plano mo about last night?" Bulong niya sa'kin. Ayaw niya sigurong may makarinig sa amin. Same goes with me lang naman no.

"Hmmm. That's a good question." I rubbed my chin, pretending that I'm thinking. "I only have one thing in mind. Kulitin si Dad na wag ituloy yung kasal pero I'm pretty sure that he won't agree with that. Lalo na dahil nangako siya kay Mom. In short, nada. Wala pa kong plano." Nang makarating na kami sa tapat ng classroom, tumigil kami pareho at tinignan ko siya. "How 'bout you? Any plans?"

"Paano kung pag-usapan natin 'to mamaya? I'll be finished working by 7P.M. Let's go somewhere na lang for dinner, then we'll plan. Sounds good?" Dinner? Just the two of us? Is it a date? Kilig ako sa idea no yon ah. Han, magpaplan lang kayo about sabotaging your own wedding. Okay? Wag kang assuming diyan.

"Okay. My class will end at 5:30 pero may meeting ako with my org at 6. So, hindi ko alam kung anong oras ako matatapos non."

"Oh. I'll wait for you na lang sa parking lot." He didn't even wait for my reply at pumasok na ito sa classroom. Sumunod na rin ako sa kanya after.

"Uyy! Magkasabay silang pumasok ni Mr. Gwapo." Pang-asar ni Dianne.

"Baka mamaya nililigawan mo na si Sir ah. Nako, friend marami kang karibal. Isa na'ko dun." Dagdag ni Audrey.

"Willing akong iwanan si Allen for him." Ewww. Di ko na lang sila pinansin at sumulyap na lamang ako kay Sir Mark. Gwapo naman kasi talaga ito eh. Chinito, matangkad, at mukha pang inosente ang pagmmumukha nito. Kung hindi lang siguro sa sitwasyon namin ngayon, malamang sa malamang, magugustuhan ko rin siya eh.

Draw Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon