I'm here to HELP you.
I'm your FRIEND.
You can TRUST me.
Pinapraktis ko lang naman yung sasabihin ko kapag dumating na yung ika-counsel ko. OJT ko kasi ngayon sa College Guidance at ako ang na-assign para i-counsel 'tong living organism na 'tong si...
Name: Marichu Palakol.
Age: 17 years old.
Year: 2nd Year College.
Course: AB - Mass Communication.
Address: #13 Ginintuan St., Brgy. Pilak, Tanso Compound.
Gold, Silver, at Bronze? Ang lakas maka-medal ng address nito ah!
Sa pagkakabagot ko, nagsalumbaba nalang ako sa desk. Kanina pa ko nag-aantay dito sa loob ng cubicle. Nasaan na ba kasi yung ika-counsel ko? Tagal tagal bwisit.
"Oh, Gwen! Eto na yung ika-counsel mo oh!" Sabi ng supervisor ko habang nakaakbay sya dun sa isang estudyante. Yun na ata si Marichu eh, mukha kasing Palakol! De Joke lang, nakita ko kasi sa ID nya. Di naman ako mapanlait 'no! Medyo lang.
"Sige, sir! Ako na bahala!" Ngumiti ako kay sir tapos bigla sya bumulong sa akin ng palihim.
"Ayusin mo ah!" Sabi nya, parang gusto na nga nya ko kurutin eh!
At ayun na nga, iniwan na nya kaming dalawa ni Marichu. Umupo na kami pareho sa upuan malamang. Mukhang tahimik itong si Marichu, di halatang lagi syang narerefer ng discipline coordinator sa guidance dahil sa mga offense n'ya.
"Hi, Marichu.. Nandito ako hindi para pagsabihan ka, nandito ako para tulungan ka. Nasa GRF mo kasi na may limang absent ka at sampung late sa mga klase mo (anong trip mo sa buhay mo?!) Pwede ko bang malaman kung anong dahilan?" Dahan dahan kong sinabi sakanya yan, makuha lang ang tiwala nya. Establishing rapport palang kasi eh.
"Eh malamang lagi akong late nagigising" Sagot nya.
Infairness ah, yung boses nya 'sing TIGAS ng PALAKOL! Sarap hampasin ng kahoy! Porket alam nya na INTERN lang ako dito at hindi pa ko ganap na Guidance Counselor?!
"Anong oras ba ang klase mo?" Tanong ko. Mahinahon yan, medyo nagpipigil pa. Kailangan kasi mahaba pasyensya mo para hindi masaktan yung counselee mo.
"7:00 am"
"Anong oras ka gumigising?"
"7:00 am"
"Ganun ba, (gago ka pala eh!) Ano bang pinagpupuyatan mo gabi-gabi? (wag mo sabihing nag-aaral ka, nakita ko sa record mo marami kang bagsak!)."
"Nagbabasa nga kasi ako ng mga fictional books!"
"Tulad ng ano?"
"Twilight."
"(Bwisit!) Mahilig ka rin pala magbasa. Ang sarap ng may binabasa 'no?"
"Syempre!"
"EH BAKIT HINDI MO BINABASA YUNG MGA LECTURES MO?! TAMAD TAMAD MO!"
*END OF CONFERENCE*
"GWYNETH ZARASATE!!!!!!!!!!" Sigaw ng supervisor ko pagtapos magsumbong nung Palakol na yun sa nagawa kong pagtataray sakanya. Kailangan talagang kumpletuhin ang buo kong pangalan?
"Sir?" Nanginginig na tanong ko nung nakalapit na ko sakanya. Galit na galit yung mukha nya. Parang isang pitik nalang sasabog na sya.
"GWEN! NAKU GWEN! NAKU NAMAN GWEN!!!!" Pagpipigil ng supervisor ko kahit alam kong gusto na nya ko pingutin. "Diba sinabi ko sayo? NA AYUSIN MO?! PANGATLONG BESES NA 'TO AH!" Dagdag nya, tapos kinamot nya ulo nya. Sabay bumelat sa akin 'tong si Palakol.
"Eh, sir sya naman may kasalanan eh!" Sagot ko. Eh yung Palakol naman na yun talaga may kasalanan 'no! Nakaka-highblood sya! Kapal ng mukha nya ngayon lang kami nagkakilala tapos kung makapagsungit sya ganun ganun nalang? Kung maka-belat sya kala nya kinaganda nya, putulin ko dila nya eh. Baka nakakalimutan nya, 2nd year palang sya, ako 4th year na!
"Baka nakakalimutan mo? Future GUIDANCE COUNSELOR ka!" Sigaw sa akin ng supervisor ko, tapos mahinahon nyang sinabi ulit na, "Gwen, kahit ano pang emosyon meron ka, kailangan mong itago yun kapag kaharap mo ang ika-counsel mo! TANGA KA BA?!"
"Eh, sir nung nakausap ko yang Palakol na yan, nakalimutan kong gusto kong maging GUIDANCE COUNSELOR! Nakalimutan kong nangangailangan pala ng GUIDE yung mga taong ganyan! Yung may limang absent at sampung late kakapuyat mabasa lang yung TWILIGHT! Buti sana kung HARRY POTTER yun eh, edi sana naintindihan ko yung point nya kung bakit lagi syang alas siyete ng umaga nagigising samantalang alam naman nyang alas siyete ng umaga yung klase nya!"
"ABA'Y SIRAULO KA PALA EH!" Sabay batok sakin ng supervisor ko. Ang sakit promise! "SIRA NA TALAGA KOKOTE MO 'NO?! Pinagsisigawan mo pa ang problema ng counselee mo! Alam mo na ngang confidential dapat yung mga ganyan!" Dagdag nya.
Biglang napansin ko, ang dami palang nakarinig ng mga sinabi ko! Napatingin ako sa mukha ni Palakol, grabe! Parang gusto nya nang lumabas sa Guidance Office dahil sa sobrang kahihiyan! Hala! Hindi ko naman sinasadya eh!
"Sir, sorry po! Hindi ko po kasi---"
"AT SAKIN KA PA NAGSOSORRY NGAYON?" Galit na tanong sa akin ng supervisor ko, para bang gusto nyang sabihin na kay Palakol ako magsorry. Sus! Di na 'no! Wag na uy.
"Sir, sorry na! Hindi na mauulit!" Pagpupumilit ko habang nakahawak sa braso nya, sanay naman na ko magmakaawa sakanya eh, wag lang kay Palakol.
"TALAGANG HINDI NA MAUULIT DAHIL IPAPATANGGAL NA KITA DITO!" Sigaw nya, sabay tanggal ng kamay ko sa braso nya, sabay alis.
HALA! LAGOT AKO!
KATAPUSAN KO NA!
MATATANGGAL AKO SA OJT KO!
HINDI KO PA NAKUKUMPLETO YUNG 500 HOURS NA DUTY NAMIN!
NAKAKA 14 HOURS AT 15 MINUTES PALANG AKO!
ISUSUMBONG NYA KO SA HEAD NG GUIDANCE OFFICE NAMIN!
TULUYAN NA KONG MASISIRA KAY SIR LUKE!
Dear Diary,
Isinumbong ako ng Supervisor ko sa Head ng Guidance Office namin, kay Sir Luke! Yari daw ako bukas! Kakausapin daw nya ko! Di ko naman kasi talaga ginustong maging Guidance Counselor eh.
BS-HRM talaga course ko noon, nagdrop lang ako nung naghiwalay si Mama at Papa. Wala na kasing dahilan para maging chef ako kasi nga ayoko nang maging parte ng negosyo ni Papa kahit kailan. Kumuha ako ng course na BS-Nursing nung nalaman kong may Cancer si Mama. Pero, nagdrop din ako nung namatay sya. Wala na kasing dahilan para maging nurse ako kasi si Mama lang naman talaga ang gusto kong tulungan.
At ngayon, Bakit BS- Psychology ang course ko? Bakit nasa Guidance ako? Aba, ewan ko. Akala ko, nagsimula ang istorya ng buhay ko simula nung pinanganak ako. Pero parang ngayon palang 'to nagsisimula.
- Gwen >:(
BINABASA MO ANG
Diary Ng Guidance Counselor [Book 1]
Humor✓ Copyright © 2013 ✓ 2019 Edition with Minor Revision ✓ Republished with Author's Permission Ang Guidance Counselor ay matiyaga. Si Gwen ay ubod ng tamad. Ang Guidance Counselor ay matulungin. Si Gwen ay sobrang makasarili. Ang Guidance Counselor...