Chapter 6

40 1 0
                                    

Name: Gwyneth Zarasate.

Year/Course: 4th Year, BS-Psychology.

Time in: 7:55am.

Mr. Dreamboy,

Mr. Dreamboy,

Ano kaya ang nasa isip mo?

"MR. DIMPLE! MR. DIMPLE! LAGI KANG NASA PANAGINIP KO!"

"Huy! Ano ba?!" Sigaw sa akin ng supervisor ko para patahimikin ako sa pagkanta. Ang cute kasi nung pinatugtog sa radyo nya eh. Kaya sinabayan ko lang.

"Iniiba mo naman yung lyrics eh!" Dagdag nya.

"Kasi po ang DREAMBOY ko ay yung may DIMPLE!" Sagot ko habang nakangiti. Alam nyo na kung sinong tinutukoy ko diba? Syempre si SIR LUKE! Alangan namang yung supervisor ko diba?

"Hay naku, ituloy mo na nga lang 'yang ginagawa mo!" Utos nya.

Magkasama kasi kami ngayon sa table nya eh. Tinutulungan ko syang mag-score ng Aptitude Tests ng mga estudyanteng nag-take nito. As usual, boring kasama 'tong supervisor ko kasi tahimik, kaya naman pinabukas ko kanina yung radyo nyang maliit para hindi mga kuliglig ang naririnig ko diba? Patuloy lang kami sa ginagawa namin. Sa totoo lang, masyadong marami ang nag-take ng test kaya goodluck talaga sa aming dalawa. Kailangan kasing ipasa yung summary nito ngayong araw kay Sir Luke. Usapang SIR LUKE nga pala, hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over sa text nya kagabi! Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang kilig ko! Good for one year ata 'to eh. Next year pa ata ang expiration date! Mukha nga kong tanga kapag naaalala ko yun kasi bigla akong napapangiti. Pero sa totoo lang, hanggang ngayon di pa rin ako nkakapagpasalamat kay Sir Luke dahil sa pagtulong nya sa akin kahapon nung napa-clinic ako. Eh kasi naman mukhang busy sya ngayong araw. Kanina pa nyang kaharap yung computer nya. Sana nga ako nalang yung computer nya para lagi syang busy sa akin eh. Ni hindi nga rin nya ata alam na pumasok na ko. As in, parang wala syang pakialam. Parang kahapon lang nag-aalala sya, tapos ngayon parang wala na lang.

Maya maya, natapos nang patugtugin yung Mr. Dreamboy by Sheryl Cruz. Gusto ko pa sanang bumirit nung huling chorus nun kung hindi lang nuknukan ng KJ 'tong supervisor ko eh. Hindi ba sya nagagandahan sa boses ko? Haha. Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko nung biglang pinatugtog yung next song.

Ikaw na ang may sabi

Na ako'y mahal mo rin

At sinabi mong, ang pag-ibig

Mo'y di magbabago

"Ngunit bakit? Sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo?" Sinabayan ko na yung kanta. Tapos nagulat ako biglang kumanta na rin yung supervisor ko, "Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba.."

Tumingin kami sa isa't isa tapos at tsaka nagpatuloy sa pagkanta "Di ba nila alam? Tayo'y nagsumpaan?" Wow! Duet ang peg! Medyo kadiri lang ng konti. Ang tanda na nya kasi eh! Feel na feel nya yung pagkanta nya, pangiti-ngiti pa! Kamusta naman yung ngiti ko sakanya? Pilit! Haha. Ang ganda na sana ng blending ng boses namin kaso biglang lumabas si Sir Luke sa office nya.

"Tapos nyo na ba yung pinapagawa ko?" Tanong nya, kaya agad kaming nagpatuloy sa ginagawa namin. Sayang! Hindi man lang namin natapos yung chorus!

"I-submit nyo sa akin yan until 12:00 noon.." Dagdag ni Sir Luke. Tapos nagpatuloy na sya sa paglalakad nya palabas ng guidance office, kaso bigla syang  lumingon uli sa amin, tapos sinabing, "Patayin nyo nga 'yang radyong yan!" Pinatay bigla ng supervisor ko yung radyo nya. Tapos at saka na lumabas si Sir Luke ng guidance office.

Ang SUNGIT naman ni Sir Luke ngayon! Ano bang nangyayari sa kanya? Daig nya pa may regla! Ang masaklap pa dun, pinapatay nya pa yung kanta! Ang ganda ganda ng 'Ako'y sayo at Ika'y akin lamang' by First Circle eh. Feel na feel na nga namin ng supervisor ko yung duet namin kanina! Maganda naman yung kanta ah? Bakit nya pinapatay? Hmp. Hindi man lang nya ko pinansin, hindi man lang nya ko tinanong kung kamusta na yung kalagayan ko. Dapat pala naglagay ako ng malaking bandage sa ulo ko para kahit papaano mag-alala sya eh. Para kahit papaano maalala nya yung nangyari sa akin kahapon. Parang wala nga syang paki sa akin ngayon, porket alam na nyang maayos na ang lagay ko.

Diary Ng Guidance Counselor  [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon