Name: Gwyneth Zarasate.
Year/Course: 4th Year, BS-Psychology.
Time in: 8:00 am.
"Bago time card mo?" Tanong ng supervisor ko sa akin pagtapos nya pirmahan yung time card ko.
"Opo.. Puno na po kasi yung dati kong time card eh.." Sagot ko.
"Aba! Mukhang nakakarami ka na ng hours ah!" Sabi nya habang nakangiti. "Hanep! Di na pumapalo ng trenta ang IQ!" Pabirong dagdag nya.
"Ilan na sir?" Tanong ko.
"Kwarenta na!" Sagot nya. Tae. Sampu lang dinagdag? Ang laki ng tinaas ah. Bwisit.
Pagkuha ko nung time card sakanya, nakita kong may magandang sobre na nakapatong sa table nya. "Sir, ano yan?" Tanong ko.
"Wedding invitation sa kasal ni Sir Luke.. Di ka pa ba nabibigyan?" Sagot ng supervisor ko.
Oo nga pala, mahigit isang buwan na rin ang nakalipas simula nung ibinalita sa amin ni Sir Luke na magpapakasal na sila ni Ma'am Jasmine. Halos isang buwan lang sila nagprepare? Halatang nagmamadali sila ah. Kung sa bagay, biglaang kasal ang mangyayari. Kailangan na kasi pumunta ni Ma'am Jasmine sa Hong Kong dahil sa gaganapan nyang role sa theater. Nabanggit din kasi ni Sir Luke sa akin na binigyan lang ng one month si Ma'am Jasmine ng manager nya bago bumalik sa Hong Kong. Kaya ginamit nila yung one month na yun para magprepare sa kasal nila. Pero, bakit ganun? Bakit wala pa kong wedding invitation aa kasal nila? Bakit hindi ako binigyan? Hmmp.
"Kaninang 7:00 am kasi namigay si Sir Luke eh.. Tapos umalis din agad, babalik daw mamayang 1:00 pm." Paliwanag ng supervisor ko. Tinanong ko kasi sakanya kung bakit walang nabigay na invitation sa akin si Sir Luke. Half-day na naman sya ngayon? Hindi na nakapagtataka kasi busy sya sa pagprepare para sa kasal nila.
*@ TESTING ROOM*
"Wala ka pang wedding invitation nila?" Tanong sa akin ni Eugene. Nasa Testing room kasi kami ngayon. Nagpacheck uli sya ng mga sticky notes.
"Hindi ako nabigyan kanina kasi 8:00 am na ko nag-time in.." Sagot ko. Tapos tinanong ko sya, "Binigyan ka pala?"
"Oo. Yung banda ko nga ang kinuha nyang wedding singer sa kasal nila.." Sagot nya. Wow. Ayos yun ah. Kakanta yung banda ni Eugene sa kasal nila Sir Luke? Astig.
"Okay ka lang ba?" Seryosong tanong ni Eugene. Alam kong nararamdaman nyang hindi ako okay. Pero pinilit ko pa ring isagot na, "Oo naman! Okay lang ako!" Sagot ko habang nakangiti.
"Ang plastik mo, Gwen!" Pang-asar na sagot nya.
"Eh anong gusto mong gawin ko? Maglumpasay sa pag-iyak dahil ikakasal na sa iba si Sir Luke? Wala naman akong magagawa eh. Kaya tatanggapin ko nalang.." Paliwanag ko sakanya. Totoo naman kasi. Wala na kong magagawa dahil planado na ang lahat. Alangan namang tumutol pa ko sa kasal nila diba? Haaay.
Gabi na nung natapos ang klase ko. Pag-uwi ko sa condo, nakita kong nandoon si Ma'am Jasmine sa harap ng condo unit ko. Mukhang kanina nya pa ko inaantay. Ngayon nalang kami uli magkakausap ni Ma'am Jasmine, simula kasi nung nag-away kami, hindi na kami nagkaroon ng komunikasyon.
"Ma'am, bakit po?" Tanong ko sakanya nung nakalapit na ko.
"Gwen.. " Hinawakan nya ang kamay ko. "..I just want to say sorry about our conflict last month." Sabi nya. Halata sa mukha nyang napaka-sincere nya. "It's all my fault.. Mahal ko kasi talaga si Luke kaya ganun nalang ako kung magselos.. Lalo na't ikaw lagi ang bukambibig nya simula nung umalis ka sa College guidance." Totoo ba yung narinig ko? Na ako lagi ang bukambibig ni Sir Luke kapag magkasama sila ni Ma'am Jasmine? Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Hindi ako pwedeng mag-assume kasi kung ako talaga ang gusto ni Sir Luke, bakit pa nya niyayang magpakasal si Ma'am Jasmine? Sadyang kaibigan lang talaga ang turing nya sa akin. Hanggang dun lang yun.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Guidance Counselor [Book 1]
Humor✓ Copyright © 2013 ✓ 2019 Edition with Minor Revision ✓ Republished with Author's Permission Ang Guidance Counselor ay matiyaga. Si Gwen ay ubod ng tamad. Ang Guidance Counselor ay matulungin. Si Gwen ay sobrang makasarili. Ang Guidance Counselor...