Name: Gwyneth Zarasate.
Year/Course: 4th Year, BS-Psychology.
Time in: 7:00 am.
"Ang aga mo ata? Anong meron?" Tanong sa akin ng supervisor ko matapos nyang pirmahan yung time card ko. Sa totoo lang, kanina pa kong 6:30am nakarating ng guidance. Ako na nga ata nagbukas ng school eh! Hindi naman ako masyadong excited, ni hindi nga ko makatulog kagabi kung paano ko sisimulan ang pagbabagong buhay ko eh. Ewan ko ba? Bigla akong nagka-interes na gawin yung mga sinabi ni Sir Luke sa akin kahapon. Tagal tagal na nila ko pinangangaralan pero parang ngayon lang ako natauhan. Teka, natauhan nga ba talaga ko? Ni hindi ko pa nga nauumpisahan ang misyon ko eh. Wish ko lang sana magawa ko ng maayos 'to. Kailangan kong maging MATIYAGA!
Alam kong 7:00 am ang unang klase ni Eugene ngayon. Geometry ang subject nya ngayon. Kaya nga pumasok ako ng maaga kasi alam kong maaga ang klase nya. Pumasok kaya sya? Sus. Ano ba yan, tinatanong ko pa sarili ko, mukha namang obvious ang sagot na HINDI sya papasok. Sa pagkakaalam ko kasi, wala syang quiz at recitation ngayon eh. Balita ko rin, hindi na raw sya pumasok kahapon pagkagaling namin ng guidance. Sabi na eh, uuwi na yun at hindi na papasok eh. Napakatamad talaga nung lalakeng yun! Hindi na nagsawa kakagimik. Alam kaya ng mga magulang nya ang mga pinaggagawa nya? Tingin ko hindi eh. Kasi naalala ko nung pumunta ako sa labas ng bahay nya nung isang araw, kapag sinisigaw ko yung mga kalokohang pinaggagawa nya sa school, agad nyang tinatakpan yung bibig ko. Para bang ayaw nyang may makarinig. Anong klaseng magulang kaya ang mga magulang nya? Hmmm. Maya maya, tinawag ako ng supervisor ko.
"Gwen!"
"Po?"
"I-call slip mo nga si Gene."
"Bakit, sir? May offense na naman po ba s'ya?"
"Tatlong araw na syang absent simula pa nung umalis ka dito."
Sus! Anong bago? Ano pang aasahan mo dun sa lalakeng yun? Eh tamad tamad pumasok nun. Kung hindi sya pumapasok simula nung umalis ako ng Guidance, ngayon pa kayang nandito na ko? Syempre mas lalo nang hindi papasok yun dahil kinamumuhian namin ang isa't isa!
"Puntahan mo na sa room nya, tapos sabihan mong pumunta ng guidance office pag lunch na nila.." Binigay na sa akin ng supervisor ko yung call slip. Agad ko naman yun kinuha kahit na alam kong hindi naman papasok yung KAPRE na yun. Pumunta na ko sa room nya. Pagpunta ko, pansin ko wala pa silang prof kasi ang iingay ng mga estudyante sa loob eh.
"Ahm.. Excuse me?" Sabi ko. Tumayo ako sa harap ng pinto. Tapos may lumapit sa aking dalawang lalake. Tuloy pa rin ang pagdadaldalan ng mga estudyante sa loob.
"Bakit po?" Tanong nung isa.
"Nandyan ba si Eugene O'Neil?" Tanong ko.
"Ahhh.. Si Gene? Wala pa po eh." Sagot nung isa. Tapos bigla syang kinausap ng kasama nya, "Asa naman kasing papasok pa yun? Eh tatlong araw nang hindi pumapasok yun!" Nagtawanan silang dalawa. Halatang kilalang kilala na nila si Eugene.
"Tamad tamad talaga ng kaibigan nyo 'no?!" Dagdag ko. Gusto ko kasing maki-join sa usapan nila eh. Tulad nila, gustong gusto ko ring laitin yung KAPRE na yun! Paano ko naman pagtitiyagaan yung lalakeng yun? Ni hindi nga pumapasok! Kakaasar talaga! Nakakawalang ganang maging MATIYAGA kapag sya ang pagtitiyagaan eh! Hmmmp! Sa sobrang inis ko, nilabas ko lahat ng hinanakit ko.
"Pakisabi nalang sa KAPRE na yun, na ang TAMAD TAMAD nya! Wala syang sariling PAGKUKUSA! Hindi sya marunong MAGTINO! WALA SYANG KWENTA! Dapat ang mga katulad nya ang tinatanggal sa populasyon para naman mabawasan ang mga insektong walang naitutulong sa PAG-UNLAD NG PILIPINAS! SABIHIN NYO SAKANYA YAN AH!" Gulat na gulat yung dalawa pagtapos kong magsalita. Maya maya, may narinig akong nagsalita mula sa likuran ko, "Sige. Makakarating sakanya yan." Paglingon ko, si EUGENE pala yun!
BINABASA MO ANG
Diary Ng Guidance Counselor [Book 1]
Humor✓ Copyright © 2013 ✓ 2019 Edition with Minor Revision ✓ Republished with Author's Permission Ang Guidance Counselor ay matiyaga. Si Gwen ay ubod ng tamad. Ang Guidance Counselor ay matulungin. Si Gwen ay sobrang makasarili. Ang Guidance Counselor...