Chapter 2

33 2 0
                                    

Name: Gwyneth Zarasate.

Year/Course: 4th Year, BS-Psychology.

Time in: 7:45am.

"Eto na! Eto na! Gwen, kaya mo 'to!" Huminga ako ng malalim habang kinakabahan akong buksan ang pinto sa office ni Sir Luke, ang head ng Guidance office. Nakakaasar kasi 'tong supervisor ko eh! Sinumbong pa ko kay Sir Luke! Ayan tuloy, wala na kong mukhang ihaharap sakanya ngayon! Kung pwede nga lang ako magmaskara para lang hindi makita ni Sir Luke ang mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan! Hmp! Nagpapalakas pa naman ako kay Sir Luke kasi nga ang gusto ko lagi nya kong napapansin, ang kaso nga lang, lagi nya kong napapansin dahil sa mga kalokohang nadudulot ko dito sa guidance office n'ya.

"Pumasok ka na kasi!" Sabi sa akin nitong si Cynthia na kanina pa ko inaantay na pumasok sa loob ng office ni Sir Luke, palibhasa kasi excited syang makita akong mapahiya na naman eh!

"Teka lang ah, atat? Tsaka ang isa pa, tapusin mo nalang yung pinapagawa sayo! Wag mong pakialaman ang buhay ng may buhay!" Sagot ko sakanya, tapos umirap sya sakin, tapos umalis na sya sa harap ko. Kala naman nya kinaganda na nya pag-irap nya, kapal-kapal naman ng eye shadow! Hmp! Hindi ko na talaga patatagalin 'to, papasok na ko!

"Sir, andyan na po sya.." Kinalabit ng Supervisor ko si Sir Luke na busy sa pag-eencode sa computer. Lumingon sa akin si Sir Luke, pagkatapos tumayo sya at umupo na doon sa mismong table nya kung saan nakapatong doon yung name bar nyang ang nakasulat ay... Lucas Vitaliano, MA, RGC - Head of the Guidance Office.

"Halika dito, Gwen.." Tinawag ako ni Sir Luke. Mukhang seryoso sya, mukhang naikwento na ng supervisor ko sakanya yung nagawa ko kay Palakol. Dyos ko po! Bakit nangyayari sa akin 'to? Naku po!

"Gwen, halika dito!" Tinawag nya ko ulit, mukhang hindi na sya natutuwa. Naku po! Anong gagawin ko? Pakiramdam ko, naparalisa yung paa ko! Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko! Parang ayokong lumapit kay Sir Luke! Ayokong mapagalitan! AYOKONG MATANGGAL!"

"ARAAAAYYY!" Sigaw ko nung bigla akong hinila ng Supervisor ko palapit sa table ni Sir Luke. "Sir, dahan-dahan naman.." Mahinahon kong pagkakasabi sakanya, palibhasa kasi hindi ko masungitan 'tong matandang ubanin na 'to kasi sya ang supervisor ko, sya ang pumipirma lagi sa time card ko.

"Kanina ka pa kasi pinapalapit eh!" Sagot ng supervisor ko. Tapos biglang tumingin sa akin si Sir Luke, yung tingin nya mukhang pangseryoso eh, magkasalubong yung dalawa nyang kilay. Infairness, ang GWAPO nya parin kahit ganyan ang expression nya!

"Gwen, totoo ba yung nabalitaan ko sa ginawa mong pagtataray sa student natin?" Tanong nya.

"Opo, Sir.." Sagot ko habang nakayuko, wala na kasi akong mukhang ihaharap sakanya dahil sa mga kalokohang nagawa ko dito sa Guidance.

"Pangatlong beses mo na 'to ah.. Hindi ka pa rin ba nagtatanda sa mga pangaral namin sayo?" Tanong nya. Hmmmp! Nagtatanda naman ako eh, pero kasi nakakaasar naman talaga yung mga estudyanteng naa-assign sa akin! Pansin ko lang ah, yung mga naa-assign sa akin, kung hindi gago, maldita naman! Napaka-unfair!

"Sir, sorry po.. Hindi ko lang po talaga na-kontrol yung galit ko.." Katwiran ko, para lang matapos na. Ayoko nang napapangaralan eh.

"Diba ilang ulit na naming sinabi sayo, na ang guidance counselor ay dapat may mahabang mahabang pasyensya? Paano ka naman magiging guidance counselor nyan balang araw kung napakaikli ng pasyensya mo?" Tanong ni Sir Luke, tapos biglang umepal 'tong supervisor ko, "Palibhasa kasi MALIIT sya kaya maikli din ang pasensya!" OUCH naman! Ako maliit?! HINDI 'NO! Matangkad lang talaga sila!

"Sige na, Gwen. I-compute mo na yung total of hours mo at nang mapirmahan ko na.." Sabi ni Sir Luke.

"Sir! HINDI PWEDE! AYOKO!" Reklamo ko.

Diary Ng Guidance Counselor  [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon