Name: Gwyneth Zarasate.
Year/Course: 4th Year, BS-Psychology.
Time in: 7:02 am.
"TWO MINUTES KANG LATE! Wag ka nang umasang pipirmahan ko yang time card mo!" Sabi sa akin ni Ma'am Ruth. Kasi nga diba ayaw nya sa latecomers? Ang gusto nya before 7:00am, nandito na ko. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko sa harap ng table nya. "Hay naku, Gwen! Kahit maglumpasay ka pa sa sahig, hindi ko pa rin pipirmahan yang time card mo!" Dagdag nya.
Assuming 'tong si Ma'am! "...Hindi naman po time card ang papapirmahan ko.." Paliwanag ko.
"Eh ano?" Tanong nya. Tapos binigay ko sakanya yung evaluation form ko.
"EVALUATION FORM? Aalis ka na dito?!" Nagtatakang tanong nya. Malamang! Evaluation form nga eh! Eto talagang si Ma'am ang hilig magtanong kahit napaka-obvious na ng sagot.
"Akin na yung time card mo!" Sabi nya.
"Bakit po?" Nagtatakang tanong ko. Bakit nga ba nya kukunin time card ko?
"Yung time card mo nalang ang pipirmahan ko. WAG LANG 'TONG EVALUATION FORM MO!" Sagot nya. Ngeee? Bakit kaya? Samantalang dati parang gustong gusto na nya kong paalisin.
"Ma'am naman!" Pagrereklamo ko. "Pakipirmahan nalang please?" Dagdag ko. Para makabalik na ko sa guidance ni Sir Luke!
"Bakit ka ba aalis?! Hindi ka ba masaya dito?" Tanong nya.
"Syempre masaya po!" Masayang masaya! Ang dami ko nga natutunan dito eh.
"Eh bakit ka aalis dito?!" Galit na tanong nya.
"Kasi po balak kong bumalik sa dati kong guidance.." Paliwanag ko. "Kaya sana po, pakipirmahan nalang.." Pakiusap ko. Pero, hindi nya pinirmahan. Kinuha nya yung libro sa drawer ng table nya, tapos pinakita nya sa akin. Hindi pala libro yun, kundi RESEARCH.
"Kailangan mo munang mag-submit ng research sa akin na kagaya nito. Bago ko pirmahan yung evaluation form mo.." Paliwanag nya. TRAGIS?! Research na kasing kapal ng THESIS?! Walang hiya. Ni hindi pa nga tapos ang thesis namin sa Psychological Research eh! Pagkatapos uutusan mo kong gumawa pa ng isa? Tae. Buti sana kung kasing galing ako nila Einstein diba? PANG-TAO LANG ANG CAPACITY NG UTAK KO MA'AM! Pumapalo lang ng TRENTA ANG IQ KO!
"Ma'am! Ayoko!" Mabilis na sagot ko sakanya. Walang pag-aatubili.
"Ayaw mo? Hindi ko pipirmahan yung evaluation form mo.." Sagot nya.
"Hindi naman po EVALUATION FORM ang papapirmahan ko eh.." Sabi ko.
"Eh ano?" Tanong nya. Tapos ang sagot ko. "Yung TIME CARD ko po.."
CASE CLOSED. Eh kasi naman eh. Ayokong gumawa ng isa pang thesis! Ayoko nang magdagdag ng aasikasuhin! Utang na loob. Kaya ayun, nagpasya nalang ako na wag na umalis sa Elementary Guidance. Ayaw ko rin naman kasi talagang umalis kasi nga.. Nandito si Gotye eh. Ayoko syang iwan. Pero, gusto ko rin namang bumalik ng College guidance kasi nga.. Nandun si Eugene. JOKE! Syempre kasi nandun si SIR LUKE. Haha. Haaay! Sana dalawa ang pagkatao ko para pareho akong nagtatrabaho sa parehong guidance office. Kung pwede nga lang mag-OJT ng sabay. Teka, may sinabi bang bawal? Pwede naman diba? TAMA! Gagawin ko yun nang sabay!
Nagpasya akong bumalik na nga sa College guidance. Balak kong mag-apply dun uli para mag-OJT. Mahigit apat na linggo na simula nung umalis ako dun. Kamusta na kaya mga tao dun? Ganun pa rin kaya? Kamusta na kaya sila Cynthia and friends? Yung mga counselor na tsismosa? Yung supervisor ko? At.. Si Sir Luke? Bakit ko nga ba iniisip kung kamusta na sila, eh malamang naman na masaya yung mga yun kahit wala ako. Kahit paano, apat na linggo naging HEAVEN ang guidance office dahil wala nang nagdadala doon ng kalokohan. Pero sorry sila! Kasi paparating na ko para manggulo uli! Sa ayaw nila at sa hindi, MANGGUGULO ULI AKO DUN! Wala akong paki kung ayaw nilang nandun ako, eh sa gusto kong bumalik eh, bakit ba?! Wahahaha.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Guidance Counselor [Book 1]
Humor✓ Copyright © 2013 ✓ 2019 Edition with Minor Revision ✓ Republished with Author's Permission Ang Guidance Counselor ay matiyaga. Si Gwen ay ubod ng tamad. Ang Guidance Counselor ay matulungin. Si Gwen ay sobrang makasarili. Ang Guidance Counselor...