EXCUSE MEEEEE

234 3 0
                                    

I just thought I could share y'all my reaction/essay about the SONA of the Philippine President, Mr. Rodrigo Roa Duterte. (tagalog siya sisters.) I'm not really good in this but maybe U should share it with you?

SONA 2019

Nagsimula ang pangulo sa pagpapasalamat sa mga taong nananatiling sumusuporta sa kaniya sa gitna ng mga pagsubok at bago pa man magtungo sa usapin ay sinabi niya na lalaban siya hanggang sa katapusan ng kaniyang termino. Una niyang tinalakay ay ang kalusugan ng mga mamamayang Pilipino. Ninanais niyang magkaroon pa ng mas maraming Malasakit Center at tinalakay niya rin ang mga masasamang epekto ng paninigarilyo at sinabing kakailanganin na raw ng mga bagong batas upang maiwasan ang labis na paninigarilyo. Para sa akin ay napakaliit lamang ng isyu na ito ngunit nakakatuwa sapagkat napansin niya pa rin ang mga ito. Para sa akin ay nangangahulugan lamang ito na alam ng pangulo ang mga isyu na nararanasan natin at mayroon siyang mga ideya kung paano ito masosolusyonan. Pangalawang tinalakay niya ay ang kapayapaan at seguridad ng lahat kung saan dapat daw magpataw ng Death Penalty sa anumang kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga. Sinabi niya rin na kaniyang pinupuri ang awtoridad sa pag-aaresto ng mga kriminal ng mabilisan. Ninais rin niya na ang Bangsamoro Terminal ay subaybayan ang pagtatatag ng regional government. At ang pangatlong tinalakay niya ay ang isyu sa West Philippine Sea. Ito ang aking pinaka-inabangan sa kaniyang SONA sapagkat ito ang pinakamalaking isyu ngayon. Sinabi niya sa China na daanin sa diplomasya ang agawan sa West Philippine Sea. Nabanggit niya rin na ang pag-aari natin sa West Philippine sea ay 'internationally recognized' kaya't sinabi niya na may tamang panahon para sa lahat. Tamang panahon kung kailan makakaya na nating ipaglaban ang talagang atin  at makakabangon din tayo. Sa bahaging ito ay napagtanto ko na mali ang aking pagmamaliit sa kakayahan ng ating pangulo. Hindi siya nagpapaalila sa China kung hindi ay nakikipag ayos lamang sa tamang paraan ngunit alam niya, alam nating lahat na hindi handa ang ating bansa para sa giyera. Samantala, ang bansang China ay mayroong makabago at pangmalakasang mga kagamitang pandigma. Ang Pilipinas ay talagang hindi pa handa; sa kagamitan at sa mga tao. Ang sumunod naman niyang tinalakay ay ang ekonomiya ng bansa at labor. Sinabi niya rito na anim na milyong Pilipino na ang natulungan at nahatak palayo sa kahirapan ngunit marami pa ring mahihirap na mamamayan ang kailangan ng tulong upang makaalis sa kahirapan. Nabanggit niya rin ang pagpapataas ng sahod ng mga national workers tulad ng mga nars at guro. Sa aking palagay, walang kwenta ang malaking sahod kung matataas din ang halaga ng mga bilihin. Sunod na tinalakay ng pangulo ay ang edukasyon. Sinasabi niyang natutuwa siya sapagkat nakakatanggap ng basic na edukasyon ang mga mag-aaral ngayon at sinusuportahan din daw niya ang mga National Academy for sports para sa mga highschool students.  Ninanais niya rin na maibalik ang ROTC na aking sinang-ayunan talaga sapagkat bahagi o hakbang ito ng paghahanda. Kung nais natin ay seguridad at kapayapaan, kailangan nating maghanda upang labanan ang kung sino mang manggulo o sumubok na gumawa ng kasamaan sa loob ng ating bansa. Kung ihahalintulad ang ating bansa sa Korea, masasabing mas lamang ang bansang ito. Wala man sila gaanong gamit pandigma, lahat naman ng lalaki sa kanila ay handa, marunong humawak ng baril at kayang magprotekta sa kanilang bansa o mahal sa buhay. Para naman sa transporatsyon, nagbigay lamang siya ng maiksing pahayag. Hinihiling niya na gawan ng aksiyon ng MMDA at LGU ang isyu sa trapik sa bansa. Sunod na tinalakay ng pangulo ang pamamahala sa bansa. Sinabi niya rito na ipagpatuloy ang pagaalis ng korupsiyon lalo na sa Philhealth. Inutusan niya rin ang bagong chairman ng Philhealth na gumawa ng aksiyon ukol dito. Nabanggit niya rin na kailangang mas pagbutihan pa ang serbisyo ng SSS, BIR, PAGIBIG, LTO at LRA. At ang huli namang tinalakay ng pangulo ay ang environment. Sinabi niya na tapos na raw linisin at ibalik muli sa dati nitong kalagayan ang boracay ngunit hindi rito nagtatapos ang kaniyang aksiyon. Bilang pagtatapos, sinabi niyang kikilos siya hanggang sa katapusan ng kaniyang termino at gagawin niya ang tungkulin niya.

MATHEMATICS 10Where stories live. Discover now