Ang Son of Dragon ay ang kasaysayan ng hero na si Zilong kung paano niya nakamit ang titulong Son of Dragon, kaniyang mga pakikipagsapalaran at pakikipaglaban, at kung paano siya nakakuha ng mga makakasama na tatawaging The United at kung paano nila matatalo ang kasamaan ng Black Troupe na pangungunahan ni Belerick.Magsisimula si Longdon Zi sa kaniyang paglalakbay sa Shanghai, China sa pag-alala sa kaniyang yumaong ama na si Longdon Zhou at sa kaniyang pangarap na makapasok at ang pumalit sa posisyong iniwan ng kaniyang ama sa Zodiacs. Una niyang pupuntahan ay ang bayan ng Suzou sa China kung saan makikilala niya si Erfinder Layla na dating estudyante ng kaniyang ama noong nabubuhay pa. Siya rin ang magkukuwento kay Zi sa naging buhay ng tatay niya, ang nagpakilala sa kaniya ng Land of Dawn, ang nagsabi sa kaniya na isa siyang hero, ang nagpasimula ng lahat ng nalalaman ni Zi patungkol sa Land of Dawn. Hanggang sa ipunta ni Layla si Zi sa loob ng Land of Dawn at ipinakilala ang ilan sa mga hero at residente sa Land of Dawn. Si Layla rin ang pinakaunang nakasama ni Zi sa kaniyang pakay at ang tumulong sa kaniya upang makahanap ng mga iba pang makakasama at matalo si Blacksmith Belerick.
Halina't samahan si Zilong at ang The United sa kanilang paglalakbay sa Land of Dawn!
![](https://img.wattpad.com/cover/194863693-288-k457987.jpg)
YOU ARE READING
Son Of Dragon
AdventureAng Son of Dragon ay ang gagawing akda ni SCVTubo. Ito ay hinango sa laro na Mobile Legends. Lahat ng mga karakter, lugar, kapangyarihan, at detalye ay hindi inaangkin ng awtor. Ito ay pawang kathang isip ng may akda ngunit hindi nalalayo sa totoong...