Eruditio City

5 0 0
                                        

Episode VIII: Eruditio City

     Natapos nang ikuwento ni Layla ang iba pang impormasyon tungkol sa Land of Dawn, ang dahilan ng pagpapalit ng mga pangalan nila ng tatay niya. Hindi pa rin makapaniwala si Zilong na ang ganda ng Land of Dawn
"Ang ganda dito Layla!"
"Bayan palang to nagagandahan ka na, paano pa kaya kapag napuntahan mo na lahat."
"Buti binanggit mo yan. Saan tayo ngayon pupunta?"
"Doon tayo sa bahay namin. At para mas masaya di tayo sasakay."
"Ha? Di tayo sasakay?"
"Hahaha! Hindi! Para makita mo ang ganda ng mundo natin."

     Naglakad sila Layla at Zilong sa Land of Dawn. Sa tuwing may makikita si Layla na hindi pa niya naikukuwento kay Zilong ay sinasabi niya ito. Naikuwento niya na ang tungkol sa mga Jungle. Ang jungle na mga mababangis na hayop o nilalang sa farm. Hindi naman ito nananakit kung hindi mo sasaktan. Mahirap ito patayin dahil sobrang kunat ng mga balat nila. Pero kapag nakapatay ka ng isa, bigla ka nalang mapupuno ng enerhiya sa katawan. Naikuwento niya na ang mga jungle ay dinadala sa The Celestial Palace at ginagamit ito doon upang lumakas ang mga hero na nag eensayo sa loob. Pero bukod doon, ay wala na siyang ikinuwentong iba kay Zilong para maexcite ito lalo sa Land of Dawn. Hindi nila namalayan na nakarating na pala sila sa bayan ni Layla.

     "Zilong. Maligayang pagdating sa bayan ng Eruditio. Ito ang bayan na pinagmulan ko. Sinasabi ng mga tagarito na ang Eruditio daw ay ang bayan ng mga imbentor. Dahil dito nagmula ang dalawa sa pinakamagaling na imbentor sa buong Land of Dawn. Si Louis, ang aking tatay na nakilala sa pag-iimbento ng mga sandata ng ilang heroes at ilang mga bagay dito sa Land of Dawn. At ang isa ay si Diggie, na siyang sinasabi na isa sa mga pinakamahuhusay na imbentor at hero sa Land of Dawn." pakilala ni Layla.

     Namangha si Zilong sa ikinuwento ni Layla. Mas naintindihan ni Zilong kung bakit Inventor City ang tawag sa Eruditio dahil karamihan sa mga nakatira dito ay nag-iimbento ng kung ano-anong bagay. First time palang makakita si Zilong ng ganito.

     "Zilong, ito naman ang Inventor Campus. Ito ang nagsisilbing paaralan ng mga bata sa Eruditio na gustong mag-imbento. Dito ako nag-aral matapos kayo lumabas sa Land of Dawn. Pabalik-balik ako dito." pagsisingit muli ni Layla.

     Natigil ang usapan nila nang biglang may sumulpot sa likuran nila at nagsalita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     Natigil ang usapan nila nang biglang may sumulpot sa likuran nila at nagsalita.

"Layla, nakabalik ka na pala!"

     Sino kaya ang sumulpot sa likuran nila Zilong na nagsalita?

Next Episode: The Timekeeper
(ctto) sa pinagkuhaan ng litrato

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Son Of DragonWhere stories live. Discover now