Suzou City

4 1 0
                                    

Episode II: Suzhou City

     Ito ang unang araw ng pakikipagsapalaran ni Zi. Siya ngayon ay nakarating sa bayan ng Suzhou na kalapit lamang ng Shanghai. Siya ay sumakay sa isang bus upang makarating dito. Ngunit may dalawang pinoproblema si Zi ngayon.

     "Hay! Di ko to naisip bago ako umalis! Saan na ako kukuha ng makakain ko? Sakto lang ang dala kong pera sa pambili ng ticket! Hindi ako nakakuha ng ekstrang pera. Isa pa, saan ako ngayon matutulog? Wala naman akong kakilala dito. Hay buhay!"

     Nagpahinga muna si Zi sa isang bangketa sa parke sa Suzhou upang hindi niya maramdaman ang gutom. Humiga siya rito habang pinagmamasdan ang mga ulap. Inilapag niya muna ang dala niyang maliit na bag sa tabi niya. Ang laman lamang ng bag niya ay ilang mga damit at ang arnis niya na siya niya ring armas kung may makakalaban man siya. Habang si Zi ay nagmumuni-muni, siya ay nakatulog ng mahimbing nang hindi niya namamalayan. Dahil na rin seguro sa pagod, kaya siya nakatulog.

     Mahigit apat na oras siyang nakatulog dahil alas tres ng hapon siya nakatulog at nang tingnan niya ang malaking orasan sa parke, ay alas siete na.

     "Gabi na pala, di ko namalayan. Kailangan ko nang magpatuloy."

     Sa kaniyang pagpapatuloy sa paglalakad sa kahabaan ng Suzhou, nakarating siya sa isang maliit na kalye sa Suzhou. Madilim dito at tanging ilaw na galing sa mga poste ang nagbibigay-liwanag lamang sa buong kalye.

     "Dito na lang muna ako hahanap ng matutulugan."

     Ang oras ngayon ay alas dose ng hatinggabi. Habang naglalakad si Zi ay napansin niya ang isang maliit na bakanteng lote na madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nagpapaliwanag dito. Naisip niyang dito muna magpalipas ng gabi. Sa kaniyang paglalakad sa bakanteng lote ay napansin niya ang isang magandang babae na gustong gahasain ng tatlong lasing na mga tambay. Dahil nag-aral naman siya ng martial arts ay kinuha niya ang kaniyang arnis at sinugod ang tatlong lasing na tambay. Ginamitan niya ito ng mga galaw na pangmartial arts at binalian ang mga lasing. Sa takot ng mga ito, ay kumaripas sila ng takbo kahit masakit ang katawan.

     "Miss, heto pala ang damit mo. Suotin mo na baka malamigan ka."  Sabi ni Zi
     "Salamat!" Sagot naman ng babae.

Next Episode:  The Malefic Gunner
(ctto) sa pinagkuhaan ng larawan

Son Of DragonWhere stories live. Discover now