Son of Dragon

4 1 0
                                    

Episode I: Son of Dragon

     Si Longdon Zi ay isang 18 taong gulang na binata na nakatira sa Shanghai sa China. Bata pa lamang si Zi ay gusto niya nang sundan ang yapak ng kaniyang tatay na si Longdon Zhou. Si Zhou ang kauna-unahang nakapasok sa isa sa mga posisyon sa Zodiacs. Ang Zodiacs ay ang labindalawang mga pinakamalalakas na tao sa buong mundo na kumakatawan sa labindalawang alamat na mga hayop na nagsama-sama upang mapuksa ang kasamaan sa mundo. At si Zhou ang kauna-unahan na nakasama sa Zodiacs at kumakatawan sa Dragon. Ang dragon na itinuturing na pinakamalakas sa lahat ng Zodiacs. Subalit sa kasamaang-palad, si Zhou ay namatay sa pakikipaglaban nilang mga Zodiacs kay Blacksmith Belerick. Tanging ang mga kapuwa niya Zodiacs ang nakaaalam ng kaniyang pagkamatay.

     Kaya si Zi ay pursigidong mag-ensayo nang mahusay upang makasali siya sa Zodiacs at malaman ang nangyari sa kaniyang ama, maipaghiganti ito ay mapatay ang taong pumaslang sa kaniyang ama. Pero alam niyang mahihirapan siyang makapasok sa Zodiacs dahil marami pang mga mandirigma sa buong mundo na higit na mas malakas kaysa sa kaniya. Ilan nga sa kaniyang tinutukoy ay ang kilalang The Chinese Master na sina Lee Chou at Shinto Yisun na talaga namang pinangingilagan ng ibang mga bansa dahil sa angking lakas at nga pambihirang kakayahan. Isa pa rin sa isinasaalang-alang niya upang higit pang paghusayan ang pag-eensayo ay dahil alam niyang bago niya makaharap si Belerick ay kailangan niya munang kalabanin ang mga alagad nito na kilala bilang Demon Troupe. Kaya kailangan niya munang humanap ng mga makakasama niya sa kaniyang pakikipagsapalaran na handa siyang tulungan nang walang hinihinging kapalit.

     Sa ngayon, si Zi ay aalis na sa kanilang bahay sa Shanghai upang simulan ang kaniyang pakikipagsapalaran at para rin humanap ng mga bagong kaibigan na sasamahan siya at tutulungan upang mapuksa ang Demon Troupe.

     "Pa, maipaghihiganti din kita laban sa Demon Troupe at maipapangako ko na magiging mas malakas ako para makasali ako sa Zodiacs, makuha ang posisyong iniwan mo, at para mapaslang ko ang taong kumitil sa buhay mo! Humanda kayo sa akin Demon Troupe! Lalo ka na, Blacksmith Belerick!"

Next episode: Suzou City

(ctto) para sa litrarong kinuhaan

Son Of DragonWhere stories live. Discover now