Episode VII: Real Name
Hindi makapaniwala si Zi sa kaniyang narinig. Maraming bagay na naman ang pumapasok sa kaniyang isipan.
"Zilong ayos ka lang ba?" tanong ni Layla
"Paano?""Ganito kasi yon. Ang nagbigay ng pangalan mo ay ang tatay mo. Pinangalanan ka niyang Zilong. Kaya lang binago namin ito ng nanay mo nang lumabas kami sa Land of Dawn, para maitago ka kay Belerick na gusto kang patayin. Iniba namin ang pangalan mo dahil na Zilong, inihiwalay namin ang "Long" sa Zilong at dinugtugan ng "Don". Kaya ang naging pangalan mo sa Daigdig ay Zi, at ang apelyido ay Longdon. Kaya ikaw ay si Longdon Zi sa Daigdig. Bakit Longdon? Dahil ikaw ay ang anak ng Dragon na si Zhao. Longdon na ang ibig sabihin ay dragon." kuwento ni Layla.
"E sino naman si Zhao?" tanong muli ni Zilong.
"Zhao ang totoong pangalan ng tatay mo. Iniba rin namin ito ng mama mo. Dahil nga sa alam ni Belerick na Zilong ang pangalan ng anak ni Zhao ay tinandaan niya ito. Lumalabas-labas si Belerick sa Land of Dawn upang ipagtanong ka. Mula sa dating Zhao, ginawa namin itong Zhou,at yun ipinakilala namin sa yo at sa ibang tao, para kung magkaharap man kayo ni Belerick sa Daigdig, hindi siya maghihinala dahil iniba namin pangalan niyo ng papa mo. Yun lang ang naiisip naming paraan para maitago ka kay Belerick."
"Pero bakit kailangan akong itago?"
"Dahil sabi nila sa Land of Dawn, si Belerick at Master Zhou ay mortal na magkalaban. Sa lahat ng 12 Zodiacs, si Zhao Dragon lang daw ang itinuturing niyang kaaway."
"Bakit naman si papa lang? Anong rason?" tanong ni Zilong.
"Ayon sa kuwento, si Belerick at Zhao daw ang naglaban noon sa posisyon ng Dragon sa Zodiacs. Sa kasamaang palad,natalo si Belerick kay Zhao at nagtanim siya ng sama ng loob. Hindi niya matalo si Zhao sa kahit anong paraan. Lalong kinabahan si Belerick nang nagpahula siya at ang sabi sa kaniya na ang papatay daw sa kaniya ay ang anak ng dragon, at ikaw yun. Magmula nang marinig iyon ni Belerick ay hindi siya mapanatag araw-gabi. Kaya inisip niya na patayin agad si Zhao bago ka pa man mabuo at maisilang. Kaya lang, hindi siya nagtatagumpay dahil kinahaharap niya din ang mga Zodiacs. Kaya naisip niya na mag-ensayo muna bago patayin si Zhao at patayin ang anak niya kapag natalo niya na si Zhao. Nagtagumpay siya ss pagpatay kay Zhao pero hindi sa pagpatay sayo."

YOU ARE READING
Son Of Dragon
AdventureAng Son of Dragon ay ang gagawing akda ni SCVTubo. Ito ay hinango sa laro na Mobile Legends. Lahat ng mga karakter, lugar, kapangyarihan, at detalye ay hindi inaangkin ng awtor. Ito ay pawang kathang isip ng may akda ngunit hindi nalalayo sa totoong...