Land of Dawn

4 1 0
                                        

Episode V: Land of Dawn

     Nang matapos magkuwento si Layla kay Zi ng tungkol sa buhay niya, ilang kaalaman tungkol kay Longdon Zhou at natapos niya na ring ibigay ang sandata ni Zi ay nakaramdam sila ng antok kaya pinatulog muna ni Layla si Zi habang nagluto siya ng almusal dahil inabot sila ng alas kuwatro ng madaling araw sa kwentuhan. Nagising si Zi ng alas otso ng umaga at agad na nag-almusal.

     "Layla, pwede mo pa ba akong kwentuhan tungkol sa Land of Dawn?" tanong ni Zi. Kaya nagkuwento muli si Layla.

     "Alam mo kasi Zi, sa oras na pumasok tayo sa Land of Dawn maraming mag-iiba. Ang suot at pangalan natin. Alam mo naman na ang tungkol sa mga armas di ba? Sa oras na nakapasok tayo, mawawala ang apelyido natin dahil ang mga apelyido ay para sa nga tao. Pero may ilang mga kaso, na nag-iiba rin ang pangalan dahil seguro, pinalitan bago lumabas sa Land of Dawn para makaligtas sa mga naghahanap sa kanila. Malalaman mo yan sa sandaling pumasok na tayo. Ang mga hero ay may mga classifications: Marksman, Mage, Fighter, Tank, Assassin, at Support. May ilang mga hero na dalawa o tatlo ang classification dahil may katangian sila na kapareha. Ang marksman ay ang mga hero na pang long range. Kadalasan, mga gumagamit sila ng baril o anumang armas na pang malayuan. Ang mage ay ang mga hero na mahika mismo ang ipinaglalaban o ginagamit na armas. May ilang mga mage na ang mahika ay galing sa kanilang paligid gaya nang kidlat, tubig, hangin at iba pa. Ang mga fighter ay ang mga hero na kayang lumaban ng matagal, may kasama man o wala. Ang tank naman ay ang nagsisilbing depensa ng team. Ang mga tank ay kailangang matitibay dahil sila ang kadalasang nauuna sa clash. Ang mga assassin ang kadalasang solo lane. Dahil kayang-kaya nilang lumaban kahit mag-isa dahil sa angking galing, liksi at talino sa mga close fights at battle, at ang mga support ay ang mga hero na tumutulong sa kanilang kakampi para magkaroon ng kill, mabigyan ng dagdag buhay o di kaya bigyan ng depensa. Yan ang mga classifications ng hero. Gaya nang sa Daigdig, may mga lugar o siyudad din sa Land of Dawn. Ang lugar na pinaglalabanan ng mga hero ay ang Celestial Palace, kaya lang sa kasamaang palad, ito ay sinakop nila Belerick kaya wala nang mapaglabanan dito. Bago mo ito mabawi ay kailangan mo munang matalo si Belerick. Pero, bago mo makaharap si Belerick ay kailangan mo munang matalo ang kaniyang Demon Troupe. Kung matalo man ang Demon Troupe, ang inyong grupo ay pipili ng isa, upang kalabanin si Belerick sa isang one-on-one match. Dahil dito, ang mga manggagawa ng Land of Dawn o builders ay gumawa ng isa pang arena na pwedeng paglabanan ng mag nag-eensayong hero, ang Western Expanse. Ibinase ang lahat ng nandito sa Celestial Palace. Bago ka makapasok sa mga arena ay dapat lima kayo sa grupo. Ang iminumungkahing lineup ay tig-iisang marksman, mage, tank, o kahit alinman sa assassin, fighter at support. Pero kapag wala kayong tank, madaling mabubuwag ang grupo niya dahil kulang kayo sa depensa. Bukod sa mga hero, kailangan din doon ng mga sundalo o minions. Sila ang kadalasang nagpapapanalo sa laban. Isa pa pala, bukod sa mga bayan dito, may mga kaharian din dito na pinamumunuan ng mga hero na may dugong maharlika."

     "Marami akong naririnig dito na may lugar daw dito na ang mga hero ay binibigyan ng rank. Sa Celestial Palace yun no?" pagputol ni Zi sa kuwento ni Layla.

     "Hahahaha! Oo, totoong may mga rankings, pero hindi yon per hero o kaya nama'y sa Celestial Palace. Per grupo yon. Mabibigyan kayo ng rank, kapag may ipinamisyon sa inyo ang mga Zodiacs at ng Heroes Association at natapos niyo ito. Ang mga rank ay Warrior, Elite, Master, Grandmaster, Epic, Legend, Mythic at kung minsan Mythical Glory. Kung iniisip mo man na madali ito, pwes nagkakamali ka dahil may mga sub-rank ito. Warrior III-I, Elite IV-I, Master IV-I, Grandmaster V-I, Epic V-I, Legend V-I, dati Mythic ang pinakamataas at stars ang ibinibigay, pero nagbago ito at ng Heroes Association at ginawang Mythic V-I, at kung ikaw ay kikilalahin bilang alamat, ibibigay sayo ang Mythical Glory, ang tanging hero na per individual ibinibigay. Ilan sa mga nakakuha nito ay si Master Zhou, Louis at Herod."

     "Sino sila Louis at Herod?" pagpuputol muli ni Zi.

     "Si Herod ang kauna-unahang hero dito sa Land of Dawn. Sinasabing siya ang pinakamalakas sa lahat ng hero. Namatay siya dahil sa katandaan. Si Louis naman ang aking tatay. Bagama't hindi siya isang ganap na hero, ginawaran si papa ng Mythical Glory dahil sa kaniyang mga natatanging ambag sa imbensyon sa Land of Dawn. Lalong-lalo na sa industriya ng armas, na napakinabangan ng maraming tao, hero, sundalo, maging ang mga Zodiacs."

     Matapos magkuwento ni Layla ay nasiyahan si Zi. Dahil mas lumawak pa ang kaniyang nalalaman sa Land of Dawn na nagpadagdag lalo sa kaniyang excitement.

Next Episode: Entrance and Name
(ctto) sa pinagkuhaan ng larawan

Son Of DragonWhere stories live. Discover now