The Malefic Gunner

3 1 0
                                    


     Nang makarating si Zi sa Suzhou ay nakakuha agad siya ng kaaway dahil iniligtas niya ang isang babaeng gustong gahasain ng tatlong lasing na tambay. Tinulungan niya ito na makapagbihis. Nang matapos ng magbihis ang babae ay tinanong niya ito.

     "Kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang malaman pangalan mo?"
     "Ako si Erfinder Layla. Salamat nga pala sa pagliligtas. Ikaw ano pangalan mo?"
     "Ako si Zi. Longdon Zi."
     " Longdon? May kilala ka bang Longdon Zhou?"
     "Oo, tatay ko siya."
     "Ha?! Kung ganon, anak ka ni Dragon Zhou? Halika sumama ka sakin sa bahay na tinutuluyan ko."

     Sumama si Zi kay Layla sa bahay na tinutuluyan nito. Habang naglalakad silang dalawa pauwi ay nagkuwentuhan sila. Nalaman ni Zi na si Layla ay 27 taong gulang na at dati pala itong estudyante ng tatay niya. Nang makarating na sila sa bahay na tinutuluyan ni Layla ay naupo siya sa sofa.

     "Nasaan pala ang mga magulang mo?" tanong ni Zi.
     "Wala na akong mga magulang. Hindi ko nakilala ang nanay ko, ang tatay ko naman ay namatay nung 9 palang ako."

     Matapos nito ay pumunta si Layla sa isang aparador at naglabas ng isang malaking kahon. Nagulat si Zi nang ilabas ni Layla ang isang kanyon sa loob ng kahon.

     "Zi, ito ang Magic Cannon. Si papa ay isang imbentor. Ginawa niya ito para sa akin. Ito ang aking sandata na ginagamit sa mga kalaban."

     Tiningnan ito ni Zi at sinuri ng mabuti. "Wala namang bala o laman e. Paano gagana ito?"

     "Hahaha! Talagang hindi gagana yan dito sa Daigdig o sa Earth. Gagana lang ito sa Land of Dawn. Ang Land of Dawn ay ang mundo kung saan tayo nabibilang. Doon mo matatagpuan ang mga kagaya natin na may kakaibang kakayahan. Gaya natin, ilan sa mga kagaya natin ang lumabas doon at nanirahan dito sa Daigdig. Doon mo matatagpuan ang 12 Zodiacs at ang arena na paglalabanan para sa papalit sa posisyon ng namatay mong ama. Doon mo rin makikita ang Demon Troupe at si Blacksmith Belerick. Doon ko nakilala ang papa mo. Bago mamatay si papa, pinaalaga niya ako kay Zhou dahil matalik silang magkaibigan."

     "Paano ba namatay ang tatay mo?" tanong ni Zi.

     "Pinatay siya! Pinatay siya ni Belerick at ng mga kampon niya. Si papa ay sikat na imbentor sa Land of Dawn. Siya gumawa ng mga sandata ng ilan sa mga Zodiacs. Marami ang nagkainteres sa papa ko, isa na si Belerick. Gusto niyang maging alipin si papa, pero tumanggi siya. Nagalit si Belerick kaya gusto niyang paslangin. Pero inililigtas lagi siya ni Master Zhou. Nang 9 na taon na ako, gumawa si papa ng isang sandata parw aa akin. Para daw magamit ko kung may kalaban man na gustong pumatay sa akin. Tinawag ito na papa na Magic Cannon, dahil nga sa kanyon ito at ginagamitan ito ng mahika o mana kung tawag sa Land of Dawn. Oo nga pala kada isang bayani ay may sandata or iba mahika mismo ang ginagamit. At kada isang atake nila ay may mga tawag sila. Ang 1st skill ang pinakaunang atake, ang 2nd skill ang ikalawa. Ang Special Skill ay ang tanging atake o skill na sa iyo lamang o walang kapareha. Ang tawag sa atin doon ay mga hero. Ipapaliwanag ko sayo para mas maintindihan mo. Ang passive o normal na atake ay hindi na binabanggit kapag gagamitin. Ang passive ko ay Malefic Gun parang kanyon, ito ay mga bala rin. Pero hindi bala na bakal, kundi mahika ang bala nito. Ang 1st skill ko ay Malefic Bomb. Maglalabas ng isang energy bomb ang kanyon ko sa kalaban. Ang 2nd skill ko ay Void Projectile. Ang kanyon ko ay maglalabas ng isang energy ball na sasabog sa target at pababagalin sila ng panandalian. Ang special skill ko ay Destruction Rush. Ang kanyon ko ay maglalabas ng malaking amount ng energy at sasabog sa target ko at sa mga kalabang malapit. Saka ko na ipapaliwanag ang ibang detalye sayo. Dahil sa Magic Cannon na ginawa ni papa, lalo lang nag-init si Belerick na patayin siya. Kaya isang araw habang ang 12 Zodiacs ay nag-uusap-usap sa headquarters nila, sinamantala ni Belerick ang pagkakataon at sinugod kami sa bahay namin. Kahit alam ni papa na wala siyang laban kay Belerick ay nilabanan niya ito gamit ng Magic Cannon. Sa kasamaang palad, nahagip ng atake ni Belerick si papa at nasugatan ito at nasira ang Magid Cannon. Nang sandaling papatayin na ni Belerick si papa ay dumating si Master Zhou. Lalabanan na sana ni Master si Belerick kaso pinigilan siya ni papa at sinabing kunin nalang ako at ang kanyon at umalis. Labag man sa loob ni Master ay sinunod niya dahil respeto sa kaibigan niya. Kaya pinalaki ako ng papa mo habang ipinagbubuntis ka palang. Sinanay niya ako at ipinagawa ang kanyon sa isa pang sikat na imbentor sa Land of Dawn. Nang isang tao  ka palang ay lumaban ang 12 Zodiacs sa Demon Troupe. Bago umalis si Master, ay iniwan niya sakin ang sibat na ipinagawa niya kay papa bago mamatay. Sabi niya sakin kung magkikita man tayo sa Daigdig ay ibigay ko sayo kapag nasa tamang edad ka na para lumaban. Kaya habang lumalaban sila ay lumabas ako, ikaw at mama mo sa Land of Dawn at dito nanirahan. Huling balita namin kay Master ay namatay siya sa pakikipaglaban. Walang nakakaalam ng dahilan maliban sa mga Zodiacs. Bumabalik-balik ako doon upang mag-ensayo sa aking bagong master."

     Naiiyak si Layla habanh ikinukuwento ito. "Gusto ko siyang gantihan, Zi. Gustong-gusto! Oo nga pala, heto ang armas mo na ipinabibigay ng tatay mo sakin."

     Ibinigay na ni Layla ang sandata ni Zi sa kaniya.

     "Layla, sumama ka sakin para bawian si Belerick! Ipaghihiganti natin ang mga tatay natin!"

Next Episode: Spear of Fiery
(ctto) sa pinagkuhaan ng litrato

Son Of DragonWhere stories live. Discover now