Pangarap

15 0 0
                                    

Sa malayong lugar ng Carol-an, mayroong bagong mag-asawang naninirahan. Sila ang mag-asawang Dalisay at Juan.  Nakapagpundar sila ng munting lote at bahay. Ang kanilang munting tindahan ang kanilang pinagkukunan ng ikabubuhay para sa araw-araw ngunit hindi sapat ito kinikita nito upang maabot nila ang kanilang pangarap.

"Dear, naalala mo pa ba ang ipinangako ko sa iyo?" wika ni Juan.

"Oo naman Dear, sabi mo, tayo ay titira sa malaking bahay at mamumuhay ng masagana." tugon ni Dalisay.

"Kaya nga nakapagdesisyon na ako Dear na mangibang-bayan. Gusto kong maibigay sa iyo ang pinapangarap natin ngunit hindi iyon matutupad kung mananatili ako rito." malungkot na sagot ni Juan.

Napuno ng luha, iyak at kalungkutan ang gabing iyon sapagkat sa araw ng bukas ay aalis na si Juan.

Higit sa GintoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon