Ikatlong Payo

4 0 0
                                    

Nagpatuloy siya sa paglalakbay, at ilang sandali na lamang ay makikita na niya ang kanyang asawa.
Nang hapon na iyon ay kanyang natanaw ang kaniyang bayan, at patungo na siya sa kanyang tahanan ay kaniyang natanaw sa hindi kalayuan ang kanyang asawa.
May kasama itong lalaki habang nakaupo sa kanilang hagdan.
Biglang nanghina si Juan sa kanyang nakita. Gusto niyang sumigaw at parang sasabog ang kalooban. Nagdilim ang kanyang paningin at gusto niyang lapitan ang kaniyang asawa at saktan ang lalaki.
Muli, naalala niya ang payo sa kanya; DO NOT MAKE DECISIONS WHEN YOU ARE EMOTIONAL.
Naubos ang kanyang lakas kaya pinili niyang magpalipas na lang ng gabi sa ilalim ng isang puno.

Higit sa GintoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon