Dumating na nga ang umaga. Inihanda na nga ni Dalisay ang mga gamit at baon ni Juan para sa kanyang paglalakbay.
"Dear, ako ay aalis na." Wika ni Juan.
Niyakap nila ang isa't isa bago tuluyang lisanin ni Juan ang kanilang tahanan.
At sa unang araw ng paglalakbay ni Juan, nakarating siya sa unang bayan mula sa kanila.Pagkatapos niyang kumain, sinubukan niyang pasukan ang lahat ng kompanya.
"Mam/Sir, baka kailangan niyo po ng trabahador? Puwede po ako." Ika ni Juan. Sa init ng katanghalian, inisa-isa niya ang lahat ng kanyang madaanan ngunit walang tumanggap sa kanya. Dumating nga ang gabi, siya 'y nagpahingang sandali sa isang tabi.
"Bakit ba walang tumanggap sa akin? Masipag naman ako at masikap." Tanong niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Higit sa Ginto
Short StoryIto ang kwento ng magkasintahang hinamon ng mga pagsubok upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. Pinaglayo man ng tadhana ngunit nagkasamang muli.