Lumipas ang gabi at dumating muli ang araw ng kanyang paglalakbay. Tinungo niya ang sumunod na bayan upang maghanap ng trabaho. Pinuntahan niya rin ang mga kompanya ng bayang iyon.
"Mam, Sir, tanggapin niyo po ako bilang inyong trabahador. Masipag po ako at masikap. Tanggapin niyo po ako. Kahit na ano pa pong trabaho ang ibibigay niyo ay pagsisikapan ko." Ani Juan.
Ngunit sa kasamaang palad, kagaya ng nangyari sa kanya sa naunang bayan, walang tumanggap sa kanya sa bayang iyon. Kinain niya ang kanyang baon at nagpahinga nang hapon na iyon.
"Ano ba ito? Bakit ayaw nila akong tanggapin? May problema ba sa akin? Masipag naman ako." Tanong nitong muli sa sarili.
BINABASA MO ANG
Higit sa Ginto
Truyện NgắnIto ang kwento ng magkasintahang hinamon ng mga pagsubok upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. Pinaglayo man ng tadhana ngunit nagkasamang muli.