Nagsimula siyang maglakbay at nang makatanghalian na, narating niya ang dalawang sangang daan papunta sa ikalawang bayan mula sa kanyang tahanan. Nagtanong-tanong siya sa mga dumaraan kung alin ang daan patungo sa bayang iyon.
"Kapag dumaan ka dito sa kanan, magiging mahaba ang iyong paglalakbay at kung dito ka naman daraan sa kaliwa, ilang oras lamang ay makakarating ka sa paroroonan mo ngunit delikado sa daang sapagkat maraming mababangis na hayop at iilan lamang ang nakakaligtas riyan." Sagot ng kanyag pinagtanungan.
Kaya't naalala ni Juan ang unag payo sa kanya; DO NOT MAKE SHORTCUTS!
Pinili niya ang mahabang paglalakbay."Ang mahalaga ay makakarating akong ligtas." Wika niya sa sarili.
Hindi alintana ang pagod sa paglalakbay sapagkat nagagalak siyang makita ang kanyang asawa at narating na nga niya ang bayan nang magtatakip-silim. Naghanap siya roon ng matutuluyan upang doon magpalipas ng gabi.
BINABASA MO ANG
Higit sa Ginto
Short StoryIto ang kwento ng magkasintahang hinamon ng mga pagsubok upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. Pinaglayo man ng tadhana ngunit nagkasamang muli.