Kinaumagahan ay nakapagdesisyon na siyang kausapin ang kanyang asawa.
Tinungo niya ang kanyang tahanan at nang siya'y makita ng kanyang asawa ay tumakbo at masaya siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan.
Nagulat si Juan sa mga nangyayari.
Mula sa kanilang tahanan ay lumabas ang lalaki."Dalisay, hindi ako makapaniwalang ipagpapalit mo ako at sa mas bata pa" ika ni Juan.
"Juan, ano ba yang pinagsasabi mo? Ikaw lamang ang minamahal ko. Buntis ako nang umalis ka. Anak natin ang binatang iyan." Tugon ng asawa.
"Anak natin? Dalisay?"
"Oo Dear!"
Pumasok sila sa tahanan na mayroing magkahalong lungkot at saya.
"Dear, patawad pero hindi ko maibibigay sa iyo ang ipinangako ko sa iyo. Ang tanging maibibigay ko lamang sa iyo ay ang tinapay na ito" malungkot na bigkas ni Juan
"Ang mahalaga ay magkakasama na tayong muli " masayang tugon ng asawa.
At nang pagsasaluhan na nila ang malaking tinapay, nandoon sa loob nito ang suweldo niya sa dalawangpung taong pagtatrabaho.
Natutunan ni Juan na higit na mahalaga ang payo kaysa sa kayamanan ng mundong ito.
BINABASA MO ANG
Higit sa Ginto
ContoIto ang kwento ng magkasintahang hinamon ng mga pagsubok upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. Pinaglayo man ng tadhana ngunit nagkasamang muli.