~ The Judgement Day~

5.8K 76 23
                                    

 

 

“A secret to tell.. I got something they don't have and baby it's you that is lifting me high …I just wanna be close to you.. 'cause I understand the strength of your hand.. oh and love that you put me through.. You’re more than a friend… So love me again…”

 

 

 

Habang pumapailanlang ang masiglang awiting iyon ni Whigfield sa CD player ni Katerina ay sinasabayan naman niya iyon ng pagkanta at pagsasayaw. Pilit niyang iwinawaksi ang labis na na kaba at tensiyong nararamdaman niya. “Judgment Day” na kasi niya ang araw na iyon.

Pagdaraanan na naman niyang muli ang araw na iyon kung saan muli siyang huhusgahan, hindi lamang ang kanyang kakayahan, kundi higit sa lahat ang kanyang buong pagkatao. Sasalang na muli siya sa “hot seat”.  Kung malalagpasan niyang panalo o talunan siya’y hindi pa niya malaman. At ang wala pang kasiguruduhang iyon ang labis na nagdudulot sa kanya ng kaba.

Lalo pa niyang nilakasan ang pagkanta kasabay ng tinig ni Whigfield. Paborito niya kasi si Whigfield. Maganda kasi ang mga kanta nito.

Ang pagkanta, pagsayaw at pagpipinta ang mga bagay na nakakapagpapagaan ng kanyang pakiramdam. Kapag labis siyang kinakabahan ay bigla na lamang siya kumakanta. Kapag mabigat na talaga ang dinaramdam niya’y pagpipinta ang kanyang ginagawa. Lihim na ginagawa niya iyon dahil ayaw na ayaw iyon ng kanyang papa. Sa paningin kasi nito, walang kwenta ang kanyang pagpipinta. Libangan lang daw iyon ng mga taong walang direksiyon ang buhay. Iyong mga taong walang ambisyon at walang kakayahang umasenso.

Hindi na niya maaaring baliin ang paniniwalang iyon ng kanyang amang si Atty. Marco Montenegro. Ang angkan ng mga Montenegro ay binubuo ng mga sikat na abogado at politico. Sa buong angkang iyon ay ang kanyang papa ang pinakahinahangaan at tinitingala. Mula elementary hanggang sa magtapos ito ng Abogasiya ay nanguna ito sa lahat. Hindi nito binigo ang expectations ng lahat nang makuha nito ang pinakamataas na marka sa Bar Exam.

Tumaas pa lalo ang reputasyon ng private law firm na itinayo pa ng kanyang yumaong lolo dahil sa kanyang papa. Hanggang sa lumaki iyon. Number 1 choice ng mga kilala at mayayaman ang Montenegro’s Law Office pagdating sa mga usaping legal. Iyon din ang dahilan kaya madaling nahalal ang papa niya bilang congressman ng kanilang distrito. At ngayon ay isa na ito sa mga kinkilalang magaling na Senador ng bansa.

Ngunit sa lahat ng tagumpay nitong iyon ay itinuturing nitong mantsa sa pangalan nito ang asawa nito na si Jean Bonifacio Montenegro, ang kanyang mama na isa lamang professional dancer. Hindi niya nakasama ito dahil 2 years old pa lang siya nang maghiwalay ang mga magulang niya. Nagtaksil ang kanyang ina sa kanyang ama. 7 years old siya noon nang mamatay ito ayon sa kanyang papa. 16 years old na siya nang pumayag ang papa niyang malaman niya kung saan nakalibing ang kanyang mama.

Kahit hindi niya nakilala at nakasama ang kanyang mama ay madalas siyang dumalaw sa puntod nito. 12 years old siya noon ng marinig mula sa mga pag-uusap ng mga katulong kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob at tapang noon para kumpirmahin iyon sa kanyang papa.

Close to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon