Baka hindi ka na makahinga teh ha? Hinga hinga din pag may time! Hehe. XD
Expect the unexpected. ❤
'Wag lang sosobra yung pag-eexpect be, mahirap na! Lol. :P
---------------
Nagising ako ng may laway sa gilid ng aking labi.. dejoke. Nang may tumamang sinag ng araw sa aking mukha. Dalawang linggo na ang nakalilipas nung mangyari ang masayang mall show ng baby ko. Keleg!
Actually napanaginipan ko na naman siya kaya ngayon good mood ako. At abot tenga ang ngiti ko! ^_______^
Pag baba ko sa aming magandang sala.. masaya ko silang binati!
"GOODMORNING!" (Haha ang lawak na ng imahinasyon ko noh? Pero yung pagkaHyper mo di ko inalis. Baliw ka eh.) Sabi ko sa kanilang lahat. Tumingin silang lahat sa akin. Hindi na rin naman sila nagtaka. Haha, and actually ako na naman ang huling nagising. XD Buhay Prinsesa.
(FASTFORWARD)
After kong kumain, syempre mag-oonline na 'ko na kadalasan ko namang ginagawa. Eto ang buhay ko eh. Twitter, facebook, instagram etc. Sa katunayan, madami na nga akong account eh sa iba't ibang websites. Ang adik ko lang noh?! :)
Habang nagtitingin ako ng mga pictures sa instagram, bumungad sa akin ang napaka gwapo niyang mukha. *ehem* matik na!
"KYAAAAAAAAHHHHH!" sa totoo lang pabulong lang 'yan. Iniisip ko nga eh, baka mamaya ma-utot ako dito kase pinipigilan ko pang ilabas yung keleg ko! Baka marinig ako ng tatay ko na kinikilig na ewan na naman, mapatay pa ako! Jeez.
Nakita ko lang naman kasi yung bago niyang album at yung picture nya sa isang magazine. (Ayan na ang isa sa mga gusto ko. Adik ka din kase sa pangongolekta ng magazine eh. Haha) Kelangan ko bumili nito! Juice colored. Kauna-unahang album nya ito at.. Di pwedeng may mamiss ako kahit isang magazine nya. Ikamamatay ko! Err. Okay OA na. Hehez. XD
Buti na lang at marami rami na akong naiipon, palagi naman akong nag-iipon eh. Kaya nga ngayon yung katawan ko di ko na maalagaan dahil sa pagtitipid ko. Ganyan ako ka tipid. Bukas na ako bibili, wala namang pasok eh dahil linggo.
*
Here we are! Yeah, nababasa nyo naman di ba? We means madami kami. Lol. Kasama ko lang naman ang dalawa kong kaibigang dyosa - sabi nila 'yan! Haha. Pero syempre di ako patatalo. (Birthday eh pagbigyan!)
Habang papunta na kami sa hypermarket o kung saan man 'yan! Nagkkwentuhan kami syempre. Di mawawala yun. XD
"Kumusta ang mall show?" Tanong ni Sonson. Ay o'nga pala di sya sumama nung mall show. May pasok kasi siya.
"Ayun, halos di na nakahinga 'to.." sabay turo sa akin. "Kasi kitang kita namin yung face ni Papa Daniel nya. Ayos lang naman, pogi." Patuloy ni Kate. Napapout naman ako sa una nyang sinabi. Kunyari pa 'to kinilig din naman sya sa kagwapuhan ni Daniel KO. (Maka-KO wagas na wagas.)
"Sayang naman, di ko man lang nasilayan ang itsura ni Daniel. Kasi naman tumapat pa sa may pasok ako eh." Dama ko naman ang tampo sa boses nito. Kahit naman ako manghihinayang, haha. Landi ko naman~ (ngayon nya lang na pansin)
(Okay FF uleeet~)
Nakabili na ako ng album at magazine nya. Ang dami nyang kanta ha? May pakikinggan na ako nito araw-araw as in. Baliw lang talaga, pasensya.~
Nabalitaan ko rin pala na may album signing siya. (Naks, super lawak na! Di ko alam kung may ganun talaga? Album signing?)
Kaya halos mag-hysterical ako dito sa kinatatayuan ko. Pano kasi nakikisang-ayon sa akin ang tadhana. Lord, ito na ba 'yun? Itong ito na ba? Ang bait nyo naman, kaya mahal ko kayo eh. Shet makikita ko na sya as in Face to Face pa! Kyah! (*O*)
"Huyy, kaloka ka. Parang end of the world na kung makareact 'yang katawan mo. Natataranta tuloy ako sa'yo. Tsk. Ikaw na talaga baliw." Sabi ni Kate with matching iling iling. Si Sonson naman nagchuckle lang. Nagpout na lang ako. Kahit kelan panira talaga 'to. (Opposite yata ang ugali ko dito, but i think konti lang naman.)
Eeeh kasi naman bukas na yung album signing niya noh?! Kaya paghahandaan ko talaga 'to ng bongga. Hihi. This is it pancit! Can't wait to see him na!
Pagtapos namin bumili at kumain sa mall eh syempre umuwi na kami. What a great day! Konti na lang Lord at matutupad na ang mga wish ko! Thankyou!
-----------------
Oppps. Sarreh medyo lame. Nawala sa mood eh. Bawi na lang sa next chapter! Konting push pa! ^_^
Chapter 3 Coming..

BINABASA MO ANG
Addicted To Him❤ (Dedicated)
FanfictionA Fan Girl Who is Addicted.. *ehem* Addicted to Him! Dedicated to you! *mwah* Sana magustuhan mo, kayo! :* -Fearless5283 All Rights Reserved (2014-15) *November 29*