Chapter 5~ Perya

24 3 0
                                    

Naisipan pumunta ng Perya nitong dalawa kong Kaibigan. Hinigit lang nila ako. Actually, malapit na kasing magpasko kaya ngayon merong Perya na malapit sa bahay nitong dalawa. Buti nga silang dalawa mag kapit-bahay lang, ako kase malayo layo pa mga lima? Or sampung kanto pa ata para makapunta samin. :3

Nandito na kami sa loob. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko dito eh.

You know why?

Hindi kasi ako mahilig magrides, at parang manlulumo ako ngayon dahil parang mapapasubo ako sa dalawang 'to.

Tingin palang nila eh. Juice colored, help me! :3

"Tara, sakay tayong Ferris Wheel!" Masayang sabi ni Sonson habang nakatingin na sa Ferris Wheel. Uh-oh. Bakit dun nya pa naisipang sumakay?

Napansin naman yata ni Kate na napalunok ako.

Di tuloy ako makagalaw.

"Oy, 'wag mong sabihing tatanggi ka?" Sabi ni Kate.

Walang lumalabas sa bibig ko, pero gusto kong magsalita.. eeh. Hindi ko naman magawang tanggihan 'tong dalawa. Alam kong malulungkot sila..

"Isipin mo na lang si Chichay ka, kapag sumakay ka dito... pagsakay lang ha?" Hinampas ko nga ng mahina yung braso nya. Kahit kelan talaga, oo na. Pati dito dinadamay nila yung palabas na teleserye ni Daniel. XD

Nagpoker face lang yung dalawa sa harapan ko. Oo na nga eh, sasakay na nga po. -__-

"Oo na tara na lang. Mapilit kayo eh." Pagkasabi ko nun lumiwanag naman ang pagmumukha nilang dalawa.

Para lang sa dalawang 'to, sasakay ako dito! T_T

Kumakabog ang dibdib ko nung paupo na ako, nasa gitna ako. Bale nasa gilid ko yung dalawa.

Nung paandar na,

"WAAAAAAAHHHH!" Sigaw ko. Natatakot na 'ko. Lord gusto ko pa pong mabuhay!

"Huy, 'wag ka nga. Ang OA lang teh? Wala pa nga tayo sa pinakataas eh. Tsaka idilat mo nga 'yang mata mo. Tignan mo kasi yung view ang ganda kaya." Sabi ni Sonson.

Pagkaupo ko kasi nakapikit na 'tong mata ko. Pero sige ididilat ko na.. una kong minulat yung kanan then syempre yung kaliwa..

Maganda nga.. Nakikita ko lang naman yung mga matataas na buildings and malalaking puno. Palubog na rin yung araw kaya makikita mo ang langit na kulay orange. Ang ganda lang.

"Oh ano? Nga-nga ka ngayon? I-sara mo nga 'yan." -Kate. Sinara ko naman agad yung bibig ko, sarreh naman. Natuwa lang ako eh.

Alam mo yung feeling na parang wala kang iniintinding problema? Ganun ang pakiramdam ko ngayon. Nung pataas na ulit kami nakita ko na naman ang ganda ng view at naisip ko bigla si Daniel.

Ewan ko ba kung bakit siya agad ang naisip ko. Siguro dahil 'yun dun sa pagpaparamdam niya sa akin na espesyal ako sa kanya. Sabagay, siya na nga nagsabi na Fan niya ako. Fan lang.

Bakit may iba ka pa bang ineexpect Sofey?

Wala naman. Tsaka alam ko namang napaka imposible nung iniisip ko, na hihigit pa sa Fan yung mararamdaman ko 'noh?

Buti naman at alam mo.

Oo na, dami mo talagang kontra 'noh konsensya? Tsk.

Pag tapos namin sumakay, naglibot na lang muna kami.

Libot dito, libot doon. Minsan naglalaro din. Yung hulog piso? Ay basta.

Maya maya lang..

May nakabangga ako. Hindi ko na sana papansinin ng..

"Uso magsorry.." heck i care? Tsk. Pero sige, baka gambalain ako ng konsensya ko eh. Pasalamat siya nakoo.

Nag-ala Chichay ako..

"Sorry poooooo!" Nagbow pa talaga ako dyan at hawak ko yung laylayan na medyo maluwag kong damit.

Then tinalikuran ko na siya. Bwisit na lalaking 'yun. Siya nga 'tong di tumitingin sa dinaraanan niya eh.

Yung dalawa namang katabi ko nagchuckle lang. Dapat daw 'di ko na pinatulan, tutal kasalanan naman niya.

And sabi ko na lang sa kanila.. nangyari na ang nangyari. Hayaan na! :3

Hayy, hindi na talaga ako makapaghintay sa pagkikita namin ulit. Wish me luck. HAHA! XD

---------------

RANDOM NA, ANG LAME PA! :3 TSK. WALA SA ULIRAT EH. -_-

Chapter 6 coming...

Addicted To Him❤ (Dedicated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon