[SOFEY'S POV]
Palabas na ako ngayon ng school. (Balik high school be. Haha) Uwian na namin. Sa totoo lang, wala ako sa mood. Ang boring boring ng araw na 'to para sa akin. Hayy, kahit na sabihin pa nating nakita ko na naman si Crush (*ehem* alam na.. kahit may Daniel ka alam naman nating may crush ka sa school noon.) Hindi parin sapat 'yun.. iba pa rin pala talaga ang tama ko kay Daniel. Haha XD
Pagkadating ko sa bahay..
"I'm homee!" I said.
Nagnod lang naman ang Mama at Papa at mga kapatid ko. Then i gave them a beso. Hayy, ba't ba ang boring? Nakakailang lang.
Pagtapos ko kumain ng dinner (actually gabi kase ang uwian natin non? Remember?) Umakyat muna ako sa kwarto ko.. at dun ako nag online, magdamag.
Pinanood ko na lang din yung vi-nideo ni Kate sa camera nung pumunta kami ng mall show. Kinilig na naman tuloy ako. Pano sobrang linaw lang nung pagkakakuha kaya kitang kita ko yung maamo nyang mukha. Naalala ko tuloy yung araw na kiniss nya ako sa cheeks, kaloka talaga 'yun. Kahit sino hindi makakapaniwalang magagawa niya yun sa akin.
"Kelan kaya ulit tayo magkikita?" Bulong ko dun sa nakita kong picture nya sa instagram.
Hindi ko pa pala naikekwento sainyo, meron po siyang ka-loveteam. Si Kathryn, maganda, morena katulad ko *ehem*, tsaka MAGANDA. Ay basta maganda sya..
Alam nyo yung sa sobrang pagkabaliw ko sa loveteam nila, nagiging kamukha ko na daw si Kath? Haha. Ako naman 'tong isa natuwa, aba syempre. Ka-loveteam lang naman ni Daniel 'yun noh? Ang saya lang.
Minsan nga ginagaya ko yung mga sinusuot nyang damit, pati narin yung hair cut nya. Kabog di ba?
After kong titigan yung picture nya, nag-edit na lang ako. I-eedit ko lang naman yung picture naming dalawa. Alam nyo bang naka-9 shots lang naman kami ng picture. At ang pinaka espesyal lang sa akin yung kiniss nya ako. Kyaaaaah! Ayan naman ang pagka Hyper ko. Wala tuloy akong masabunutan dito. :3
Pagtapos kong i-edit, ginawa ko na siyang wallpaper ko sa Ipad.
Magbubukas na nga lang ako ng radio.. baka sakaling makarinig ako ng kanta niya. Alam ko nagtataka kayo, kasi meron naman akong album niya.. Eh sa ayaw kong pakinggan eh. Ididisplay ko lang 'yun noh? XD
Pagkabukas ko ng radio..
"Hey guys.. ang susunod na kantang ipe-play ko ay para sa isang girl na na nakilala ko lang this past few days.. and also to you, all of you. I hope you'll enjoy..."
Si Daniel 'yun ah? Baka celebrity guest lang siya? (May ganun ba? Hayaan mo na imagine-in mo na lang XD) Nagplay na ang song..
(Di ko na sisimulan chorus agad. Hehe)
Sa umaga't sa gabi sa
Bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita ahh.
Sa isip at panaginip
Bawat pag pihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Habang tumutugtog yung kanta.. sumasabay din ako. Para sa akin ba 'to? Ugh. Sofey 'wag assumera oh-kay? -_-
Eh pero di ko matiis isipin na sa akin.. uh-hayyy bastaaa! Nakakalokaaa! Ang ganda ng boses nya.
Natapos na yung kanta..
"Nawala ang pagka-bored ko ha? Hahahaha! Ibang klase. Lakas mo Daniel." Sabi ko habang tumatawa. Para akong timang. Jeje.
Narinig ko namang iniinterview na siya nung DJ ba 'yun? Ay basta.
"Daniel, may konting katanungan lang naman kami sa'yo. Kung okay lang sa'yo?.."
"Okay lang po. Ano po ba 'yun?" Kalmado nyang sagot.
"Sinong maswerteng babae ba ang iyong inalayan ng kanta? Sabi mo kanina, nakilala mo lang siya nung past few days. Ibig sabihin hindi 'yun para sa ka-loveteam mo.."
"Ahm.. actually ayoko pong sabihin 'yung pangalan niya, kasi alam nyo naman. Maidedescribe ko naman po siya eh in one word.."
Owmeygahd. Sino kaya yung maswerteng yun? Nakakaloka. Inggit ako! :3
"Anong word?.."
"Violet po.." Huh? V-violet? Sino 'yun?
Wait..
Hindi pa mag-sink in sa utak ko.
Loadinggg..
1
2
3
4
.
.
.
.
.
25
.
.
.
.
50
.
.
.
.
75
.
.
.
.
100% Complete..
Hindi kaya?..
"KYAAAAAAAAAHHHHHHHH!" Nagwala na ako sa kwarto ko! Owsht. F*ck sht. Walanjo. Ba't ka ganyan Daniel? Sabi ko naman sa'yo na 'wag mo akong masyadong pakiligin eeeh.
Hindi naman sa assumera ako ha? Pero ramdam ko eh, ako talaga eh. Ako yung babaeng naka-Violet na dress, naka shoulder bag na Violet, sandals na Violet. Nung nagkita kami sa album signing niya. Kulang na nga lang pati buhok at balat ko maging Violet na eh. *^O^*
Nagtanong ulit yung DJ kaya nakinig ulit ako ng mabuti..
"Bakit siya ang inalayan mo ng kanta?.." bakit kontra ka? Haha.
"Kasi po, alam kong inspirasyon niya ako. At ako rin po inspirasyon ko sya... bilang fan ko. Kasi kung hindi dahil sa mga fans ko siguro wala ako dito sa posisyon ko ngayon at siya ang isa sa mga ebidensya na may napapasaya akong tao.." mabilis nyang sagot.
Ang lalim, may pinanghuhugutan si Koyaa. Hahaha. Keneleg nemen pe eke. (*^﹏^*)
Narinig ko na lang na nagpasalamat sa kanya yung DJ at nag-iba na yung kanta..
Yung akala kong napakaBORING NA ARAW, eh sasaya pala. Grabe sobra mo akong pinakilig Daniel. ❤
Bumalik na lang ako sa pag kakahiga ko.
Papikit na ako para matulog habang binabanggit ang mga salitang ito..
"Sana magkita tayo ulit..."
----------------
KELEG TO THE BONE. HAHAHA XD Hindi ko na kinakaya yung malawak na imahinasyon ko! Jusko. :3
Chapter 5 susunod..

BINABASA MO ANG
Addicted To Him❤ (Dedicated)
FanfictionA Fan Girl Who is Addicted.. *ehem* Addicted to Him! Dedicated to you! *mwah* Sana magustuhan mo, kayo! :* -Fearless5283 All Rights Reserved (2014-15) *November 29*