Nandito sa bahay namin si Daniel.. dito daw muna sila magi-stay habang nagsho-shooting sila.
Minsan kapag break, nakikipagkwentuhan siya samin.
Grabe di ako makapaniwalang nandito siya sa bahay namin, kakilala kasi ng friend ng mommy ko itong si Daniel at saka dito sila sa malapit sa amin nagsho-shooting.
"Hahahaha.." nakakainlove yung mga hagikhik nya. Hihi. Tapos yung mga tingin nya sa akin nakakalusaw. Mata sa mata eh..
Sana palagi na lang ganito..
Hanggang sa uuwi na sila..
"Maraming salamat po sa pag papai-stay niyo sa amin dito.. *tingin sa akin* sana magkita tayo ulit.." sana nga Daniel sana..
"Huy, *poke* gising na! Anong oras na o?" Kusot kusot ko pa mata ko.
"Ha?"
"Bumangon ka na diyan!" Si mama pala 'to.
Nagnod na lang ako. Akala ko pa naman totoo na, tsk! Panaginip lang pala. Haist. -.- Azaaaarr!
-----
Ilang months na ang nakalipas at November na naman. Hayyy, ang bilis talaga ng oras. Akalain mo 'yun magkakasama na naman kaming tatlo. Muntikan na nga kaming magkulang eh, pano si Kate nagdadalawang-isip pa. Tsk.
Nandito kami ngayon sa sementeryo, dinalaw namin yung puntod ng tito jeff ko pati yung lolo ko. Nag-stay kami ng isang gabi.
Lakwatsa dito, lakwatsa doon. Kasama rin namin yung nanay nanayan namin si Mamu bhogz. Haha! Siya ang pasimuno ng lakwatsahan ngayon. Naghahanap yata ng mabubuking. WAHAHA! XD
One time, may natipuhan siya na lalaki.
"Mamu, puntahan mo na. Ayun na o? Ano gusto mo ako pa lalapit?" -Sonson
"Eto na nga eh, magpapapicture na nga ako o! Kuhaan mo nga kami." Utos niya kay Kate. Landi talaga ni Mamu.. Sabagay, gwapo naman kasi nung lalaki eh.
Ilang beses na kaming pabalik balik papunta dun sa pwesto nung lalaking kinapapatayan ni Mamu, hahaha! Hindi halatang nagpapapansin siya eh noh? Hindi pa na kuntento kinuha niya yung number ni Kuya! Tsk. Buti nalang di kami nagmana sa kanya. :3
Nagpuyat lang kami ni Kate, tinulugan kasi kami nung dalawa eh. Mga madadaya! Hahaha.
Picture dito, picture doon. Kain dito, kain doon. Ganyan lang ginagawa namin. Minsan nagbabasa naman 'tong kapuyatan ko. Tss. Di makatiis si Kate. Hahaha
Hanggang sa nag-umaga na. Naki-tulog muna sa min si Sonson at Kate. Mahaba-haba din yung naitulog namin. Bago kami natulog,
"Napanaginipan ko si Daniel nung mga nakaraang araw.." panimula ko, tahimik lang naman yung dalawa kaya pinagpatuloy ko na. "Nag-stay daw sila dito, nagkwentuhan daw kami. Parang totoo nga lang eh. Grabe!" Di makapaniwalang sabi ko.
"Buti panaginip lang yan!" Binatukan ko nga si Kate. Panira eh. Siya nga napanaginipan niya rin si James eh. James Reid.. malandi din. Hahaha! (Segway!)
"Ang ipinagtataka ko lang tuwing na papanaginipan ko siya tapos lagi siya sa bahay namin, hindi ako nakakapag selfie sa kanya. Nakakaloka nga eh. Maaalala ko lang 'yun kapag nakaalis na sila."
"Malas mo naman, pero buti na lang talaga panaginip lang 'yan. Hahah-- aray!" Binatukan ko ulit. Panira talaga 'to.
Si Sonson tatawa tawa na lang. Pinakelaman naman nila ngayon yung mga magazines ko. Meron kasi doong picture si James eh, kaya ayan si Kate todo kung kiligin. Nakatopless kasi siya sa picture kaya kitang kita yung six pack abs niya. (Kyah! Nakatago pa rin 'yan sa baul! Haha) Naki-join din si Sonson. Hahaha. Dalawang baliw!
------
Alas-kwatro na kami nagising. Kumain kami at diretso ng umuwi yung dalawa. Sabay-sabay kasi kaming magsisimba.
(FF.. naaaaaa)
Dito na kami ngayon sa simbahan. Kumakanta kami ngayon ng ama namin. Magkakahawak kamay kaming tatlo.
Patingin-tingin ako ng konti sa paligid ng may mahagip ang mata ko.
I gasped pero mahina lang.
Wahh! Si Danilo ba yun? Nakaside view kasi siya e. Pero parang siya. Ang tangkad kaya. Parehas sila ng height e. At saka parehas din ng hairstyle. Pumikit ako at dumilat ulit, nagbabaka sakaling namamalikmata lang ako.
At tama nga, namalikmata lang ako. Sayang! Bigla ring humarap si kuya at iba ang itsura. Hayy. Oo nga naman, bakit naman siya magsisimba dito? Baka pagkaguluhan lang siya. Hindi ko agad naisip yun. Baliw.
"Let us pray.."
Nagbow kami ng heads at tahimik na nagdasal.
Lord, sana sa birthday ko makasama ko naman si Daniel. Alam ko, napaka imposible ng hinihingi ko sa inyo. E, pag dating naman po sa inyo walang imposible, e. Di ba po? Hehe. Marami pong salamat sa lahat ng blessings na ibinibigay ninyo sa amin. Hinding hindi po ako magsasawang manampalataya sa inyo. I love you, lord. Thank you and sorry sa lahat ng kasalanan ko. Sana mapatawad ninyo ako at mabigyan pa muli ng isa pang pagkakataon. Salamat uli. Amen.
--
Special chapter na ang kasunod. Weeeeeh~
BINABASA MO ANG
Addicted To Him❤ (Dedicated)
FanfictionA Fan Girl Who is Addicted.. *ehem* Addicted to Him! Dedicated to you! *mwah* Sana magustuhan mo, kayo! :* -Fearless5283 All Rights Reserved (2014-15) *November 29*