Special Chapter #2

30 3 0
                                    

Dedicated pa rin 'to sayo. Malamang kwento mo 'to e. Sa phone lang kase ako kaya di ko directly madedicate. Pasensya naman. :3

So, this is it! Ayaw kong nabibitin ka e. Hahahaha! Enjoy reading~

Don't forget to follow me on twitter: @Kateyy_25

---------------

After nang kainan, diretso na agad sa next program ng birthday ko. Syempre ang 18 candles.

Ang una syempre ang Mama ko. Maiiyak na nga siya e.

Kumuha na siya ng kandila dun sa pinsan kong babae. Si Hannah. Sa 18 roses ko kasi meron ding may hawak ng mga rose na nakalagay sa basket at si Shasha ang may hawak nun, kapatid ko.

Sinindihan na niya iyon at tumungo na sa kinaroroonan ko.

May nag-abot naman sa kanya ng mic pagkarating sa harapan ko. "Hi anak. Dalaga ka na, tapos sa susunod magkakaboyfriend at mag-aasawa.."

Ang advance naman ng Mama ko. Tahimik lang akong nakikinig kaya pinagpatuloy niya ang sasabihin niya, "Pero ngayon anak, wag muna ha? Aral muna, magtatrabaho ka pa. Mahal na mahal ka namin anak. Huwag mong hahayaan na may umapak sa yo. Lagi mo rin tatandaan na nandito lang kami maraming nagmamahal sa yo. Huwag mo ring kakalimutan si Lord. Lagi kang magpasalamat sa kanya, kahit anuman ang mangyare magtiwala ka lang sa kanya. Happy birthday, anak. Tuparin mo lahat ng pangarap mo sa buhay ha? Wag na wag kang magbabago. Iloveyou anak."

Dahil sa mahabang speech ng Mama ko. Napaiyak na ako ng bongga. Pero hindi ko naman hinayaang masira ang make-up ko lalo na't katabi ko yung napakagwapo kong escort. Nakakahiya naman kung panget na ako tapos siya ang gwapo gwapo pa rin.

Pagkatapos ni Mama, sumunod naman si Mommy. (Nandyan din si Daddy di ko na lang binanggit. Haha)

"Hi Chin chin o love ko. Hay hindi na kita baby, dalaga ka na e. Ayan anak ang regalo ko sa yo o! *nguso sa katabi ko*." Sino pa ba? Edi yung escort ko. Napatingin tuloy ako sa kanya at nagkatama ang mga mata namin. Eeeh, kanina pa ba niya ako tinitignan?! Napaiwas agad ako at tumingin na lang ulit kay Mommy. "Ahem, alam kong masayang masaya ka na ngayon dahil nga natupad na ang mga wishes mo pero alam ko namang meron ka pang mga hinihiling sa buhay at pangarap. Kaya katulad nga ng sabi ni Mama mo. Tuparin mo yun lahat. Gusto kong makita na naging successful na ang apo ko. Aabutin mo yun ha?" Tumango naman ako. "Sulitin mo na yang regalo ko sayo ha? Hindi yan unlimited. Hehe."

Namula naman ako dun dahil sa kahihiyan. Tsk! Si Mommy talaga! Waah.

Napansin yata ng katabi ko na namula ako. "Bakit namumula yung pisngi mo?" Tanong nya.

Tinakpan ko tuloy yung mukha ko. Nakakahiya na talaga. Nakita niya pang namula ako. Kahit morena ako napansin niya parin. Ang linaw naman ng mata nito.

Buti na lang at tapos na si Mommy magsalita at umalis na rin agad.

"W-wala 'to. W-wag m-mo na lang p-pansinin." Nakatakip pa rin ang dalawa kong kamay sa pagmumukha ko.

Akala ko gagawin niya yung sinabi ko pero naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang dalawa kong kamay at unti-unti itong tinanggal sa pagkakatakip sa mukha ko.

Hindi ko alam kung anong itsura niya. Nakapikit kasi ako e. Nahihiya pa ako! Waaaah.

"Open your eyes." Sabi niya.

Umiling naman ako. Waaaaah wag mo na lang kasi akong pansinin eeeh!!

"Please. Look, they're watching us. Buksan mo na kasi mata mo." Pagpupumilit parin niya.

Nang dahil sa sinabi niyang nanonood lahat ng tao samin napadilat ako agad ng may pagkahihiyan na naman.

SOBRANG KAHIHIYAN NA ANG BUMABALOT SA AKIN NGAYON! LOLOKOHIN NA NAMAN AKO PANIGURADO NUNG DALAWANG BRUHA KONG KAIBIGAN MAMAYA! WAAA!

Addicted To Him❤ (Dedicated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon