11

29 8 1
                                    

PAG TUMUNGIN KA, AKIN KA

"Pag tumingin ka... Akin ka!" sigaw ng lalaking mahal ko.

Bigla siyang humarap at nagwacky. I laugh so hard because of his face.

Napansin kong nagp-picture siya ng mga views dito dahil magaganda so sumingit ako sa isang picture. He stared at me and smile.

"You think you can make this picture ugly because you're here? Little do you know you're the most beautiful view for me?" namula naman ako sa sinabi niya.

-

Napangiti ako habang inaalala ang mga pangyayaring iyon habang ngayon, kaharap ko siya.

"Cess, I'm breaking up with you" pagkasabi niya nun ngumiti ako.

"Sigurado ka na ba?" nakangiting sabi ko ngunit may bumagsak na luha sa mga mata ko patungo sa pisngi ko.

"Pagod na ko."

Hindi ko sinabing 'pagod na rin ako pero di ako sumuko' because that's wrong.

If you love someone rerespetuhin mo ang desisyon nya at hindi ka manunumbat.

"Cess please? Ayoko na?"

"Pede favor?" nakangiti ko paring saad.

"Ano?"

"Give me 7 days para makasama ka muli, pagtapos nun hindi na kita kukulitin pa" nakangiti kong saad.

"Okay sige."

Day 1

Nandito kami sa condo niya dahil usapan namin dito kami ng 7 days.

Nagluluto ako ng umagahan niya, tulog pa kasi siya. And!! Yes tapos na! Nagulat ako dahil nasa sofa siya.

"Babyyyy!"

"Don't call me baby" I smiled even though it hurts.

"Higa ka ulit dun! Breakfast in bed dapat!"

"Dami mong alam hahaha" napangiti ako dahil tumawa siya.

Ipapakita ko sayo na kaya kitang asikasuhin kahit pagod na ko.

Day 2

"Baby dito nalang ako matutulog sa sofa sa tapat ng kama mo" may sofa kasi sa tapat ng kama niya.

"Ikaw bahala"

Kaya ko lang naman doon gusto matulog para mapagmasdan kita.

Day 3

10 am na di parin siya nagising agad kong hinawakan ang noo niya. Shit ang init. Agad akongkumuha ng tubig at bimpo at nilagay sa noo niya

"What are you doing?" tanong niya

Kumuha ako ng paracetamol at isang basong tubig.

"Drink this"

"Ayoko nga pangit lasa" cute niya ayaw nya sa gamot.

"Hays para gumaling kana" tinignan niya ko bago ininom yun.

Paparamdam ko sayo na kaya kitang alagaan.

Day 4

Nakita ko siyang natutulog ng mahimbing kaya tinitigan ko lang siya.

"Twinkle twinkle little star how I wonder you're still mine" naluluhang sabi ko.

Halos mapatalon ako dahil bigla siyang mumulat kaya tumayo agad ako.

"Uhm babye sleep well" sabi ko at umalis.

Day 5

"Laro tayo play station!" pagaaya ko paborito naming laruin yun.

"Sige ba! Gaya ulit ng dat--" pinigilan niya ang sasabihin niya "ge tara" I smiled.

Umupo ako sa tabi niya at naglaro kami.

"Hoyhahahaha! Cess naman! Hahhahahaa waaa talo kaaa bleh hahahaha!" napangiti ako dahil sa reaksyon niya.

Sana makita ko pa ulit tong mga tawa at ngiti niya.

Day 6

Sabi ko sakaniya dito lang kami sa sala at manonood ng harry potter na paborito namin and he said yes.

Habang nanonood kami di ko namalayang nakaakbay na pala siya saakin.

Lulubusin ko itong araw na ito. Itong sandaling magkasama pa tayo.

Day 7

Last day.

Sabi ko sakaniya gawin niya yung ginagawa niya saakin kapag ihahatid niya ko pauwi.

Dahil ihahatid na niya ko ngayon sa condo ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at naka intertwined iyon.

Habang naglalakad kami di ko mapigilang di tumulo ang luha ko. Pero di ko pinakita sakaniya.

Ito na yun. Ito na yung huling araw na makakasama ko siya.

Pagkatapat sa pinto hinalikan niya ko sa noo and he said "I" down to my nose "love" down to my lips "you" ngumiti sya at tumalikod papaalis.

Tumulo ang luha ko at walang tigil..

"Kapag tumingin ka... Akin ka pa..." sabi ko bumilang ako ng tatlo

1.

2..

Bigla siyang tumakbo at niyakap ako.

"I'm sorry baby! I'm sorry" niyakap ko siya at napangiti.

"Mahal na mahal kita"

"Di kita kayang iwan. Patawarin mo ko Cess I'm so sorry!"

"Wag ka na ulit aalis ah?"

"Never, iloveyou"

Ms_Serenityyy

ONE SHOTS  ( Random )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon