14

22 8 0
                                    

MALANSANG ISDA

Buwan ng wika ngayon at tinatalakay namin ang kahalagahan ng wika.

"Ms. Castillo."

Mabilis kong binigyan ng atensyon si Sir Genard nang sambitin nito ang apelyido ko.

"Si-si-sir?"

Mabilis akong tumayo at diretsong tumingin sa kanya. Nakita kong inayos nito ng suot nitong salamin.

Matapos punasan ang bilog nitong salamin ay muli ako nitong binigyan ng pansin.

"Sir?" nakataas kilay kong tanong nang tumingin ito sa direksyon ko.

"Para sa'yo, bakit mahalaga ang wikang Filipino?"

Mabilis kong nasagot ang katanungan ni sir.

"Sapagkat ito po ang daan upang tayo'y magkaintindihan. Ang wika ang siyang tumutulong upang tayo ay magkaunawaan."

Matapos kong sumagot ay muling nagsambit si sir ng tanong.

"Para sa'yo, maaari ba nating gamitin ang ibang wika sa ating bansa?"

Sumagap muna ako ng napakaraming hangin bago maglabas ng salita.

"Hindi sir. Bawat bansa ay may sari-sariling wika. Gamitin natin kung anong sariling atin. Bakit pa natin kailangan mag aral ng ibang lengguahe kung meron naman tayong sariling atin---"

Pinutol ng isang malamig na boses ang aking pagsasalita.

This manly voice, it's him.

"Hindi lang tayo umiikot sa sarili nating bansa. We should learn how to communicate all over the world. Kailangan din natin matuto ng ibang wika para makapag interact tayo sa ibang bansa." pahayag ng crush kong si Bryle.

Matapos magsalita ni Bryle ay tiningnan ako nito. Binigyan ako nito ng isang mapang asar na ngisi.

"I won." sambit nito na nagpainit ng ulo ko.

Crush lang kita pero di ako magpapatalo sa'yo!

Muli akong tumaas ng kamay para salungatin ang mga sinabi niya.

"Ms. Castillo, may idadagdag ka pa ba?"

Sa pagtawag sa'kin ni sir ay inalala ko ang mga katagang sinabi ni Jose Rizal.

"Sir....." pinasadahan ko lang ng tingin si sir. Matapos non ay ibinaling ko kay Bryle ang aking buong atensyon.

"Go on." rinig kong bulong ni Bryle.

Muli akong humigop ng hangin bago sambitin ang salita ni Dr. Jose Rizal.

"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda." sambit ko habang matalas na nakatingin kay Bryle. "Isa lang ang ibig sabihin non Bryle and you know it."

inaasahan kong maiinis siya sa sinabi ko pero mali ang inakala ko. Nakita kong ngumiti pa ito sa direksyon ko.

"Kung mas masahol pa sa malansang isda ang hindi magmahal sa sarili nitong wika...." lumapit ito sa'kin at nagbigay ng napakatamis na ngiti.

"Bryle...."

"Masasabi mo bang masahol pa ako sa malansang isda kung mas minahal pa kita kesa sa sarili nating wika?"

and after that, he gave me his sweetest smile again.

Nakita ko din na namula si sir sa gilid ng room.

And yeah, I'm speechless.


- Ms_Serenityyy

ONE SHOTS  ( Random )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon