SHE'S DRUNK
"ba-ba-baby... Iloveyou damn so much." nauutal na sambit ni Nicole sa kabilang linya ng telepono.
Sa tono ng pananalita niya ay mabilis kong nahulaan kung anong ginagawa niya.
She's drunk and I don't know the fucking reason why she's drinking all alone. She's such a naughty girl, bigla-bigla na lang nagpapakalasing without me by her side.
Paano kung mabastos siya don sa bar? Paano kung may mangyaring masama sa kanya?
Fuck, I can't stop overthinking. Susunduin ko siya, susunduin ko ang prinsesa ko.
Mabilis kong kinuha ang jacket ko at lumusong ako sa ulan para ihatid siya pauwi.
-------
Nakarating ako sa bar.Tiningnan ko ang bawat sulok ng lugar na ito at mabilis ko namang naaninag ang prinsesa ko kahit na nakatalikod ito.
Mabilis ko siyang tinungo para kausapin.
"Why are you drunk! Let's go home---"
pinutol ng tawa niya ang mga sasabihin ko.
"HAHAHAHAHAHA damn baby! Damn!" sambit nito sa kawalan.
Kinausap ko siya at tinanong kung bakit siya nagpapakalasing.
"Why are you drinking baby? Is there any problem?" mahinahon kong sambit ngunit muli itong nagbigay ng malakas na halakhak.
"Baby, damn!" ngayon ay naglabas na ng luha ang kanyang mga mata.
Damn! My baby is crying!
I hugged her at lalo namang lumakas ang yakap niya. Kinausap ko siyang muli kung bakit siya nagpapakalasing.
"Why are you drinking, is there any problem?" sa pagtanong ko ay mas lalong humigpit ang yakap niya.
"Gusto ko pang makapagtapos sa pag aaral! Gusto ko pang matupad ang pangarap ko!" muli itong humagulhol ng iyak.
"Baby, sabay nating tutuparin ang pangarap natin. Sabay tayong magtatapos sa pag aaral." sambit ko para siya'y kumalma.
Naging effective naman ang sinabi ko dahil tumigil siya sa pag iyak. Kumalas ako sa pagkakayakap at iniharap ko siya sa'kin. Doon ay muli ko siyang kinausap.
"Why are you here?May problema ba?" kalmado kong sambit.
Sa pagsabi ko ng mga salitang 'yon ay napahawak siya sa kanyang tiyan. Hinaplos haplos niya ito bago siya diretsong tumingin sa'kin.
"I'm 2 months pregnant. We're going to have a baby, Max! Magiging tatay ka na! Nagbunga na ang pagmamahalan natin, Max!"
sa mga sinabi niya ay kusang naglabas ng luha ang aking mga mata. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit habang dire-diretsong umaagos ang luha sa'king mga mata.
"Is that tears of joy?" tanong niya sa'kin nang mapansin niyang umiiyak ako.
"Yes baby, yes." pagsisinungaling ko.
I'm crying not because I'm happy. I'm crying because my girlfriend is going to have a baby!
I'm happy for her.
"Max! Tatay ka na. Iloveyou."
Muling naglabas ng luha ang aking mga mata nang sambitin niya ang pangalan ng pinakamatalik kong kaibigan na si Max.
Ang ama ng kanyang magiging anak.
"Iloveyou, Max." huli niyang sambit bago ito makatulog.
My baby is drunk.
- Ms_Serenityyy